paruparong hawak

Isang linggo na nang makilala ko siya. Komplikado ang pinasok ko, pero okay lang. Naiintindihan ko ang mga sitwasyon…
Isang gabi.
Magkatabi kami. tinititigan nya lang ako, pero kita ko ang konting ngiti sa mga labi niya.
“Sorry ha.” sabi niya.
“Huh? Bakit?” sagot ko sa kanya.
“Di ko pa kasi maibigay sayo ang lahat, pero alam kong aantayin mo ako.” Lumapit siya sa akin.
Di agad ako nakasagot. Niyakap niya ako, naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso nya.
“Oo, aantayin kita.” sagot ko sa kanya.
“Matatagalan.” sabi niya sa akin.
“Handa ako gaano man katagal.” sagot ko sa kanya. Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung maiiyak ako or magiging masaya.
Isang masuyong halik sa may tenga ko ang ginawa nya at sabay bulong nyang..
“Mahal kita.”
(this was a long time ago… )