maglakbay

naalala ko pa noon, pinangarap kong mag-ibang bansa, ibat-ibang lugar ang gusto ko mapuntahan, nandyan ang Canada, talagang nung bata ako yan lang ang alam kong bansa na gusto ko puntahan, pangalawa lang ang amerika, dahil ang alam ko nun iisa lang ang Canada at America. Habang tumatanda ako nadadagdagan ang mga lugar na aking pangarap na mapuntahan.. sampung bansa ang gusto ko mapuntahan, simple lang ang rason kung bakit ko sila gustong puntahan, yung kultura nila.. alam mo yun, yung tipong out of body experience kapag nakisalamuha ka sa mga taong iba ang kultura sayo. pero nalaman ko ang totoo.. ang katotohanan na hanggang pangarap nalang pala yun. oo pangarap lang yun, pero libre ang mangarap.. pero nung dumating ako sa punto ng edad ko na parang nagsasawa na ako sa pagpangarap ng mga lugar na ito, yung 10 bansang gusto kong puntahan e naglaho at kahit mismo sa sarili kong bansa napipilitan lang ako mag-“tour” sa ngalan ng aking trabaho. hindi dahil nagsawa na akong mangarap, kundi mas inisip ko ang takot na mapagisa sa isang lugar na di ko alam, lalo na sa panahon ngayon na puro gulo lang ang nakikita ng aking mata.. pakiramdam ko halos lahat ng bayan, barangay, at kalsada dito sa bansa natin ay punong puno ng gulo. sino nga pa ba ang ligtas sa panahon ngayon? eh kahit mismong mga alagad ng diyos na noon akala ko eh may “super-powers” eh pinapatay na ng mga halang ang kaluluwa, pati na ang mga pulitika na kahit lagpas 20 na ang bodygards eh napapatay parin. well given na yun sa bansa natin kapag pulitika ka.. ang isang paa mo eh nasa hukay na agad sa sandaling ilahad mo ang iyong pagtakbo sa eleksyon.. eleksyon na siguro ang mismong dahilan ng matinding kaguluhan sa sarili nating bansa.. bakit ko nasabi? kahit naman siguro ikaw masasagot mo to.. nakasalalay sa pamahalaan ang magiging takbo ng isang bayan, barangay o kalsada.. kung ito bay magiging mapayapa, ligtas o puno ng gulo at kapahamakan. iisa lang ang alam kong lugar kung saan tayo magiging ligtas sa kahit anong kapahamakan.. sa loob ng bahay natin. sa pamilya natin.. Oo, pag bibigyan ako ng pagkakataon na maglakbay kasama sila.. kahit saang bansa pa iyan, kahit sa iraq o afganistan.. maglalakbay ako kasama ang pamilya ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: