KLSP

KLSP = Kulang Lang Sa Pansin

Pasesnsya na sa late pag-bloblog. medyo tinamaan ng katamaran nitong mga nakaraang araw epekto ng trabaho ko, unti-unti ko ng di nagugustuhan ang ginagawa ko, lalo na ang “pangu-ngutya” ng boss ko. Napaka-unhealthy para sa akin ng ginagawa ko. Honestly, di ako nag eexcel sa field na ito. Sa totoo lang talaga, wala naman akong background sa trabaho ko, kaya nga nung natanggap ako nagulat ako. Kaya eto ngayon hirap na hirap ako sa pinag-gagagawa ko. Kung nailagay lang ako sa Advertising Dept. at maging isa sa mga artist, mas malamang na magagawa ko ang mga ipapagawa sa akin ng mabilis at maganda, dahil yun talaga ang “forte” ko e. Di yung pakikipagusap sa mga tao para operan sila ng trabaho na di naman talaga nila gugustuhin in the first place. Imagine, taga-Bataan ka and magaapply ka sa Manila, walang kasiguraduhan na matatanggap ka, sa hirap ng pera ngayon iisipin mo yung nagastos mong pamahase. Nung nanggaling nga ako ng Bataan, nagulat ako sa pamasahe 450 balikan. Sino ba naman ang gugustuhin na gumastos ng ganung kalaki, na pwede mo ng allowance sa isang linggo yan. Eto pa ang isang downside ng inooffer kong trabaho, kapag natanggap ka, meron kang training sa Manila for (5) five days, walang allowance o kahit pamasahe manlang. Oh sa tingen mo magkakaintires ba ang tao na pasukin ang trabahong ganyan. Hindi lahat ng tao gugustuhin ang ganyang klaseng pamamalakad, at napansin ko lang din na ang mga pinapahanap sa akin ng boss ko e yung mga malalayo at mga imposibleng magpunta talaga sa opisina. Pero hanggang ngayon naniniwala parin ako sa sinabi ng isa kong kaibigang bakla…

“Wala ng imposible ngayon, ang imposible nalang e ang mabuntis ako.”

Siguro nga tama sya, walang imposible. Kaya hanggang ngayon umaasa parin ako na magresponse lahat ng nakausap ko sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas para lang mag-apply sa kumpanya namin. Pero honestly speaking, sa ngayon hindi ko talaga maramdaman ang saya sa trabaho ko, sabi nila “love your work”, pero di ko talaga magawa ito e. Na-realize ko lang isang araw na, hindi ako naging masaya sa trabaho. Noong una siguro masaya ako kasi may trabaho na ako finally, at hindi ako masaya sa ginagawa ko. Hindi ba’t pag di ka masaya sa ginagawa mo, eh malamang di ka mag pa-function ng maigi. Unti-unting maapektuhan ang personal mong buhay dahil sa trabaho, na yun ang pinakaayaw kong mangyari.

Ang akin lang talaga, sana walang “ngaragan” sa part ko at ng boss ko. Kasi halos araw-araw na nasa opisina ako eh, wala na akong narinig sa kanya kundi pang-nga-ngarag. Kahit alam kong may mga napapapunta naman ako para mag-apply kahit papano, sana naman kahit konting appreciation sa nagagawa ko diba? Pero wala e. Ang masaklap pa nun, araw-araw din akong makakarinig ng “taning” sa kontrata ko. Ewan ko ba! Nung nakausap ko yung dating nagttrabaho sa kumpanya ko, maswerte na daw ako kasi tumagal-tagal din ako ng ilang months dun, sabi niya halos lahat daw ng napwesto sa kinauupuan ko e hindi nagtagal at di kinaya ang “ngaragan” moments with boss.

Dahil kailangan ko ang trabaho magtitiis nalang muna ako, at aantayin ko nalang ang pag-patay sa kontrata ko. Di ako aalis hanggat di ako inaalis. Huh? Hehehe! Mahirap na kasing mag-hanap ng trabaho ngayon, buti nalang bumabalik ang sigla ng mga callcenter. Baka sakaling bumalik ang sigla ko, at mamaya magulat nalang kayo iba na ang trabaho ko.

Alembong Sig

One Response to “KLSP”

  1. gudlak sa trabaho mo at sana ndi mo mapatay ang boss mo.lols.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: