Tekitext #1 : Pangalang Bakla

May naisip akong bagong pakulo para sa blog ko, pag may naisip akong kakaibang tanong itatanong ko sa mga kaibigan ko at ipopost ko dito ang mga sagot nila.. simulan na!!!

“Kung magiging bakla ka, anong gusto mong tawag sayo, at bakit?”

Carla Cruz : Chesca or Franchesca. Sounds beautiful and sexy. (Aba ha, talagang kailangan emphasize ang sexy.)
Julie Magnaye : Blair. Bitchy but with heart. (oh diba, very Gossip Girl ang drama ng lola mo!)
Clark Cruz : Ria. Dahil crush ko si Ria Bautista ng Paramita. (Claark, bakla ka ngaa eh, tapos magkakacrush ka sa babae?! Duh!)
Isman Soriano: Kris. Im used to it na eh. (Ganun lang daw yun, sanay na sya sa name nya. Ahahaha!)
Prince Leonor: Jookz. I dont know, its a unisex name I guess. (Jookz? Well.. sounds gay naman, Jooklaa! Joke lang! HAHA!)
Kai Rabang : Kerms. Kasi baklang bakla ako kapag Kerms. (HAHAHAHA!! Kahit kelan talaga tong babaeng to, lagi akong pinapatawa. Baklang bakla pala yung Kerms. Masyado ng redundant kapag pala Kerms ang naging pangalan ko, bakla na nga ako Kerms pa pangalan ko.)
Clarence Fernandez: Clarence, same name. I want to be me, kung baga respeto sa pagkatao ko. Kahit bakla ako tao parin ako at may sariling pagkakakilanlan. (Ang taraaaay ng sagot. Winner to!! Pang Ms U.. Tumpak Palakpak!!)

Wala lang, naisip ko lang talaga… minsan kasi napapansin ko dinadala ng pangalan ang isang tao, partikular sa isang bading o bakla o badaf o sa term ni Jam BADET. Parang Ricky Reyes, Boy Abunda, German Moreno, John Sweet Lapuz, Roderick Paulate (ay hindi pala sya bading, roles lang yun.) Sam Milby at Piolo Pascual, hindi ba dahil sa pangalan nila ginagalang at nirerespeto sila kahit mga bading sila? Taray diba! Eh pano kung di ka naman sikat, tulad nalang sa nangyari sa akin kanina sa office, aba’y yung isang coach sa kabilang team eh tinanong yung coach ko kung ano ang pangalan ko.

Coach ng kabilang team : What’s the name of that GAY guy? *pointing at me*
(at kailangan talaga emphasized yung word na GAY)

Coach ko: His name is Raprap. Why?
Coach ng kabilang team: Nothing.

Eh akala nitong hitad na coach na toh di ko sya narinig, so nag “tiger-look” ako sa kanya. Eching lang. Nag smile lang ako sa kanya. Wala lang, deadma lang, ang sa akin lang nakakatanda sya (halata sa pagmumukha nya) eh sana alam nya na masama at hindi tama ang pagnamechung ever ekek sa mga tao, okay lang naman akong matawag na bakla, bading o badet eh, walang kaso sa akin yun. Kung ano yung iniisip ng mga tao sa akin e business na nila yun, wala akong magagawa dun, at sanay na ako sa ganun. Sa akin lang no one deserves that kind of prejudice and name calling, after all I know (or atleast I feel) na pareho na kaming mature nung coach na yun. Wala lang I just felt it was really rude, because of the place. Nasa office kaya kami, bigyan ko kaya sya ng care form. Magdadrama ako dun. Hahaha!

Professionalism: never call someone such as that at their back or even if within their consent regardless if its a joke or a fact.

Yun na! Kyembots!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: