Kuweer Paktor

Wit
Ang inyong mababasa ay aking sariling opinyon at pananaw sa mga bagay bagay sa aking paligid na may kinalaman sa kabadingan. Kaya kung meron kang mababasa na makakaoffend sayo, pwes wag kang magreak at wag mo nang ituloy ang pagbabasa mo. Intyendes!!?

May tanong ang aking kaibigan na sasagutan ko, at ipapaliwanag.

Pag sinabing BI ba ang isang bakla eh. naiiba sya?
– Isang malaking NO! Para sa akin, inuulit ko… para sa akin ang salitang BI(Bisexual) ay hindi isang personality or identity, ito ay isang LABEL. Hindi ka naman siguro damit o appliance para lagyan ng label diba? I have nothing against “gay guys” who call themselves BI, ang sa akin lang kahit san mo tignan o balibaliktarin ang bakla ay bakla parin. Hindi pwedeng mamangka sa dalawang ilog? Pwera na lang kung magaling ka magsagwan. Echoz! HAHA! Eto lang kasi yan, sa mundo ng mga bakla, baklang parlorista o yung mga baklang lantaran ang isang BI eh matatawag mo diiiing PAMHINTA from the word (Pa-MEN). Bading din pero straight-acting naman. Discreet raw sila, or pakiramdam lang talaga nila na naiiba sila. Malalim ang boses ng karamihan (na medyo pilit na kung minsan). Huli na ang piyok pilit pang tinatago. Karamihan sa kanila nag-ggym pa, or nagpapabuff ng katawan. Zyempre ang type nila eh ang katulad din nilang PAMHINTA.

Ang ayaw ko sa mga pamintang ‘yan ay masyado silang superficial at mapanghusga. Tignan niyo na lang ang Gay community websites, nuknukan sa mga personal ads na puro na lang “no gays, chubs, effems.” Kung ayaw mo sa gays pero nasa ganung website ka, ano’ng palagay mo sa sarili mo? HEHE! *coooool*

Eto pa ang napansin ko sa mga BI/Pamhinta whatsoever ha, kapag madaming bading sa paligid nila lalo na ang mga tipong parlorista o yung tinatawag nilang effems eh nagiiba sila ng anyo bigla. Bakit dahil takot silang mabisto? Ang masasabi ko lang e kahit lalake kasama mo, mapgkakamalan ka pa rin dahil nakataas ang kilay mo. HEHE!

Pero I don’t see any problem with being one or the other – sa akin lang – ang may problema yung di matanggap yung sarili nila kay wala rin silang kakayanang tanggapin ang difference ng ibang tao. Its all about sexual orientation. Sabi ng iba dahil daw sa personality and the environement are two of the reasons bakit may mga pamhinta at yung mga super bonggang mga kafatid natin.

Eto kasi ang problema sa mga bading eh may mga sari-sarili silang judgment sa kapwa nila bading. Wala naman siguro tayong magagawa kung choice nung isa na maging pamhinta sya diba? Madaming galit sa mga paminta o BI kasi mapagpanggap daw o pretentious ang dating nila at ang pinakaayaw ng nakakarami eh kapag sinasabi nilang di raw sila mga bakla, mga BI lang daw. BI nga kayo, BI-YOT? Karamihan ng mga BI/Pamhinta eh ayaw sa mga pa-girl na bading kasi masyado ngang pa-girl o malalandi.

Ang sa akin lang kung saan ka magiging masaya or magtatagumpay eh dun ka. Kanya-kanyang paraan naman yan ng pagtanggap ng sarili at pagtanggap sa malufet na mundo na kinatatayuan nating mga bading. Basta ang importante lang…

Pagtinanong ka “Bakla ka ba?”

Taas noo mong isigaw.

OO BAKLA AKO! May problema ka?

Yun na~

4 Responses to “Kuweer Paktor”

  1. Biyot ampota. Panalo! HAHA.

  2. Comment lang ha. I actually know a few guys who get turned on by men and women. I think bisexuality does exist. The problem lang is that too many gay guys hide behind the label because they are either afraid or not ready to own up to being gay.🙂 There was a time when I told myself I was bisexual pero I was young then and didn’t know much. Hehehe.

    • Mr Alem Bong Says:

      Sumasang-ayon ako sa sinasabi mong natatakot lang siguro silang humarap o harapin kung ano sila, at kung ano ang meron sa mundong kanilang haharapin. Marahil sa kanilang own time eh mag spread na sila ng wings nila.

  3. arnel quirante Says:

    I totally agree to this blog..
    Yan din ang kina-aasaran ko
    Sa mga bisexual site..
    Bakit kailangan pa nila ipamukha
    At ipagsigawan sa mga post nila or
    Comments nila that they
    Discriminate gay people?
    Hindi raw sila “gay” kundi “bi”
    Lang naman daw???
    Anong gusto nilang palabasin???
    That they are above gay category?
    That they are better compared to gays?
    That they are more acceptable in our society??
    Kaloka sila!
    Matuto muna silang tanggapin sa mga sarili nila na
    kahit anong state of in denial ang gawin nila,
    Bakla rin sila!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: