i CAN, therefore i BLOG

Ano ba ang blog?

Para sa mga di nakakaalam ito ay hango sa words na “WEB LOG”. Basically its a journal available on the web. The activity of updating a blog is “blogging” and someone who keeps a blog is a “blogger”.

Why do i blog?

Wala lang. Because I CAN! Honestly, I caught myself always talking to myself (baliw na.. HAHA!), kaya gumawa ako ng blog para dun ko nailalabas ung mga iniisip ko. I blog para sa experssion ng sarili ko, mahiyain at di kasi ako sociable, pati mga frustration at kung anu anu pa. As we all know it’s a good place to write where people can read what you write in an instant. It is an outlet for me.

Naalala ko nung bata pa ako, madalas akong nagsusulat sa diary ko. Pero sunog na ito at wag mo ng itanong kung bakit. Alam ko mahilig talaga ako magsulat, tamad lang talaga ako. Basta may papel ako at ballpen nagiging malikot ang kamay ko at isip. Hindi ko mapigilan mag sulat o mag-drawing. Doon ko nalaman na may angking “creativity” pala talaga ako. HAHA! Pero syempre may mga iniisip din ako na hindi ko sinusulat o sinasabi. Sa akin nalang ang mga bagay na yun. Basta ang alam ko dito ko slightly o unti-unti kong naiintindihan ang buhay ng isang tulad ko, na sana or malamang sa hindi eh mapulutan ng aral ng mga mambabasa.

Seriously, blogging is a way of learning and establishing yourself as someone knowledgeable in the field or topic you are blogging about. Oh sa kahit ano pa ang reason sa pag bo-blog e wala na ako pakialam dun dahil yan ang trip ko at malamang ikaw din, at hinde ko kukunin yan sayo. Walang masama sa paghahayag ng idea, emosyon, kwento (khit barbero), at opinion basta ba madaling basahin (ok ang font, color coordinated, at hinde masyado txt ang dting) e ikaw ang bahala. HAHA!

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: