ang never pang napuntahang resort

Sa mundong ito, mahirap talaga maghanap ng totoong kaibigan, Hindi mo naman masasabi agad na kaibigan mo ang isang tao dahil matagal na kayo magkakilala o magkaibigan ang mga pamilya ninyo. Minsan lang sa isang milyong taon ka makakahanap ng tunay na kaibigan.

Mahirap ata sagutin yan. Para sa akin, ang isang kaibigan ay isang taong nagmamahal sayo ng todo, pinapahalagahan ka at dinadamayan ka sa mga panahon na kailangan mo ng taong makakausap at mapagsasabihan ng problema. Marami na akong napagdaanan sa buhay ko, halos lahat ng pwedeng mangyari sa isang pamilya, nangyari na ata sa amin. Ganyan katindi ang mga napagdaanan ko, masakit at matinding paghihinagpis ang naramdaman ko, ang mga tunay na kaibigan ko ang nandoon para sa akin ng mga panahon na iyon, kapag tinatanong ko sila kung pwede ko sila makausap ay hindi na sila nagdadalawang-isip na kausapin ako dahil para sa kanila ay importanteng bigyan ng atensyon ang isang taong may problema, hindi sila yung tipong kapag masaya sila sa piling ng mga “minamahal”(a.k.a bf/gf) ay pagadating sa mga kaibigang nangangailangan ng tulong ay masaya pa rin. Alam niyo yun? Yung parang masaya parin silang nakikipagusap sayo kapag may problema ka? Ang mga tunay na kaibigan ay taos-pusong nakikinig sa isa pang kaibigan na malungkot at may problema, hindi sila nagsisingit ng mga bagay na alam nilang wala namang magagawang maganda sa kaibigang may problema. Alam kong masarap magkwentuhan ng mga bagay pero pag dating sa isang kaibigang may problema ay nakikinig lang ako sa kanya at pinapatatag ang loob. Kapag maayos na siya ay doon ako nagkukwento ng mga bagay bagay.

PAANO KUNG NAKASAKIT KA? PWEDE PA BA MABALIK ANG PAGKAKAIBIGAN? – OO naman. Sobra. Lahat naaayos sa tamang usapan. Mainit man o maging malamig. Sabi nga ni Ate Wanda “Magbago man ang panahon, mananatiling mahinahon ang ambon para sa iyo.” Para yan sa tunay na magkaibigan na dumadaan sa trials. Sana… *pinagdadasal ko ang kaayusan*

Ppsssttttt…. Oo, IKAW nga. Maraming Salamat ha? Nang dahil sa iyo, gumaan ang daloy ng aking buhay. Ikaw na nag- ambag ng mumunting kaligayahan sa tuwing ako ay tumatakas sa mapait na biro ng kapalaran. Ngayon, heto ako, tuloy pa rin sa aking laban. Alam kong nandyan ka lang, handang dumamay kahit sa kwentuhan man lamang, pero mas madalas eh sa inuman..

MAHAL KITA aking KAIBIGAN.

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: