sa gitna ng mga bote

Masarap pala gumawa ng first step para dun sa mga taong minsan sinasabi nilang “dinadaan-daanan” mo nalang sila. Tulad ng ginawa ko. Medyo nakakagaan ng pakiramdam kapag muli mo silang nakasama. Masaya ako. Inuman kami. Kwentuhan. Namiss ko ang mga taong ito talaga.

Pero minsan.. Minsan dumadating sa punto na gusto mo mapag-isa. Gusto mong tumakbo ng tumakbo. Magpakalayo-layo. Takasan ang mundo. Umiwas. Gusto mong mawalang bigla. Hanggang sa makarating ka sa isang lugar na ikaw lang mag-isa. Isang lugar na pwede mong ilabas lahat ng sama ng loob mo. Isang lugar kung saan pwede kang magpakatotoo sa sarili mo. Isang lugar na walang aapi sayo. Isang lugar kung saan walang sino man ang pwedeng manakit sayo.

May mga tao lang talagang mapagsamantala at walang awa sa kapwa nila. Manhid. Di ko alam kung anong masamang elemento ang sumapi sa kanila at nagawa nila yun sa mga taong lubos na nagpapahalaga at nagmamahal sa kanila.
Yung mga magaling lang sa umpisa. Yung tipong poprotektahan ka daw kuno.Yung mga taong masikreto at maraming tinatago. Paniniwalain na kaibigan ka niya, yun pala may kailangan sayo. Ang bait at ang sweet kapag may pabor kang nagawa para sa kanila pero dedma ka na o bigla nang mag-iiba kapag alam niyang wala na siyang mahihita o mapapala sayo o makahanap na siya ng dahilan para iwan ka.

Ang daming dahilan, kesyo hahanapin ang sarili, yun pala may iba nang kinakarir at hindi ka na niya kakailanganin. Magpapasalamat kuno sa lahat, yun pala iiwan ka na. May nahanap na sigurong ibang mabibiktima o kaya nahanap na niya yung
seseryosohin niya talaga.

Ikaw nman si tanga, aasa pa kasi sabi niya bigyan lang siya ng time, maghihitay ka lang pala sa wala.
Ang kapal ng mukha, makasarili,mapagsamantala at walang konsensya. Wala na siyang pakialam sayo dahil siya ok na.
Kunwari friends kayo pampalubag loob lang pala. Akala nila madali para sa mga pinaglaruan at niloko nila. Hindi nila inisip kung anong sakit ang nararamdam nung taong pinaikot nila at biglang iniwan sa ere. Hindi nila alam kung anong pinagdaraanan nung taong buong akala’y mahal nila at pwede silang pagkatiwalaan.

Siguro nga meron silang mahigpit na pangangailangan o malalim na dahilan. Pero sapat ba yun para paikutin mo ang isang taong wala namang ibang hinangad sayo kundi para tulungan ka. Hindi mo kasi alam kung anong sakripisyo niya, para lang matulungan ka. Sana naisip mo kung paano ka niya pinahalagahan. Sana naisip mo na iniwan niya ang sarili niya maayos lamang ang buhay mo. Sana naisip mo kung anong pinagdaanan niya habang ikaw jan ay nagpapakasasa. Inisip mo sana kung paano siya nagpakatanga para lang sayo. Siya ang estupido hindi ikaw. Sabihin na nating may mali, pero ano pinabayaan ka ba niya? Ikaw ang nang-iwan. Ikaw ang gumawa ng ikakawala niya sa iyo. Tinawag mo lang siyang kaibigan, hindi mo siya tinuring na kaibigan.

Totoo nga ang sabi nila, mas maganda na hindi mo na lang malaman ang katotohanan. Hindi kumplikado. Hindi masakit. Hindi nakakasama ng loob. Hindi nakakapanlumo.

Sana lang makatulog ka sa mga pinag-gagawa mo.

Sana maging masaya ka. Bahala na sayo si LORD. Sana lang di ka makarma.

“When something is over, it can never start again. When it’s broken, you can never get back the pieces…life is not the way you want it to be, when you know that someone is hurting you so much, just stop! We know that it hurts a lot, but you must learn to let go. Don’t’ push yourself too hard.Love is not always a fairytale. “

Yun na~

One Response to “sa gitna ng mga bote”

  1. My G0sH, .
    Karel8 aq0h ng b0ngang b0nga, .i feEL LYk !m d’ 1 Wh0 s tak!ng D’ R0LE 0f dat gay 0n d s2rY dat U havE madE,
    Tnamaan tlga aq0h, .
    ‘ .datz y a hundreD % tsekneSs ka s!s, .
    PnagcCHan k0ng ngng bAKla q0h nung !nwan nea q0h, .bt w!d d’ helP 0f mY fwEN, .NAGng str0ng ak0h, .at pnagpa2L0Y kng an0 TLGA q0h at kng an0 AG Mkakpagpasya sken..at kyng mbuhay w/0uT hs pRESENCE !n my lyF.kya 0k Na q0h. .tnx sa fwenz ‘n bFWENs q0h. .l0v u guyZ
    ‘n !m pR0UD 2 say dat !m GaY. . .
    NyC idEA m0h, .:-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: