unang karanasan

Habang nanonood ako ng “Katorse”, narinig ko yung kantang Unang Halik. At nag flashback sa akin ang lahat…

Naalala ko pa yung unang beses na nakipaglandian ako sa lalake. First Year High school. Noong time na yun hindi pa ako lantad sa aking sekswalidad. Konti lang ang nakakaalam. Mga malalapit na kaibigan at kaklase lang. Hindi alam ng buong eskwelahan. Hindi alam ng mga teachers ko. Noong mga panahon na yun medyo nalilito pa ako sa gusto ko. Hindi pa sigurado. Pero ang alam ko eh agaw pansin talaga para sa akin ang mga “cute” na lalake. Lalo na ang mga “Crush ng Bayan” sa campus. Isa na dun yung klasmeyt ko. Itago nalang natin sya sa pangalang BELT. Oo. Belt as in sinturon. Gwapo. Rugged Look. Bad boy. Malakas ang appeal niya sa mga tulad ko. At talaga namang agaw pansin ang kanyang…. sinturon.

Itong si BELT, palibhasa madaming nagkaka-gusto (Babae, bakla, tomboy at kahit mga teachers), ay may taglay na kayabangan. Maingay. Magulo. Pasaway. Pero mabait naman sya. Nung dumating na ang 2nd Grading eh tinabi siya sa akin ng adviser namin, dahil tahimik daw ako. Akala siguro ng adviser namin eh mapapatino ko si Belt. Noong una ay hindi kami nagkikibuan. 4th row kami, bandang dulo at mga PNB (patay na bata) ang mga katabi namin.

Itong si Belt eh madalas mawalan ng ballpen. Hindi ko alam kung wala talaga siyang dala o niwala lang talaga nya. Basta di ko alam ang dahilan. Eh ako noon, sipag-sipagan ang drama sa school. Madami akong extrang ballpen. Black. Blue. Red. Minsan may Violet at Green pa.l Pinapahiram ko sa kanya. Hindi na niya sinosoli. Hindi lang ballpen. Pepel. Libro. Papel. Lapis. Papel. at kung minsan baon.

Siyempre dahil isa sya sa kalsmeyt ko at naging kaibigan ko. Alam niyang bakla ako, at alam din niyang type ko siya. Mga ilang linggo lang eh naging close kami.. o ako lang ang may feeling na ganun. HAHA! Pakiramdam ko eh nagtake advantage ang lalake sa nalaman niya, napadalas ang pambobola ginagawa niya. Ako naman ang bakla, happing-happy! Madalas niyang litanya eh.. “Ang bait mo talaga. Kaya labs kita eh. Peram naman ballpen!” o kaya “Ang bait mo talaga. Kaya labs kita eh. Pengeng papel.” minsan naman “Ang bait mo talaga. Kaya labs kita eh. Anong baon mo ngayon?”

Pakopya. Nagsimula lang yun sa assignments, una kopya-kopya lang. Tapos ako na mismo ang gumagawa ng mga assignments nya. Hanggang pati mga exams o quizzes. Palibhasa di kami kita sa upuan namin at patay na bata ang mga katabi namin, to the highest level ang pagkopya nya at pagpapakopya ko. Tuwang tuwa siya. Kilig na kilig naman ako. Lahat yan dahil sa pag-ibig. Puppy love.

Bago matapos ang 2nd grading ay may sinabi siya sa akin na talagang kina-windang ko..

BELT : Gusto mo hawakan?
Me: (pa-demure) Ha!? Alin?
BELT: Ito! (sabay himas sa bandang ibaba ng kanyang belt)
ME: HOOY! Ang bastos mo ha!… (saylenz..) Okay.

Yun yung time na pakiramdam ko eh nawala ang puri ng aking mga kamay. Siyempre di ko alam kung malaki yun. First time ko yun at hipo lang naman ang nangyari. Tuwang tuwa siya. Kilig na kilig ako. After ng 2nd grading, nilipat nanaman siya ng upuan. Siguro walang pagbabago na napansin ang adviser namin. Sayang. Nawala ang landian namin. Iba na ang nilalandi nya. Ewan ko kung nahawakan din ng bago niyang seatmate ang belt nya. Malamang hindi. Lalake yun eh. Anyway, kamusta na kaya si BELT!? Tuwing naalala ko siya… tuwang tuwa at kilig na kilig parin ako.

Oo nga pala.. ki-niss niya ako sa cheek after nun.

Yun na~

2 Responses to “unang karanasan”

  1. Hi. Kakilig naman kwento mo. Hehe. Active ka pa ba? Wanna hear from you soon!šŸ™‚

  2. what’s his name?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: