bike ni tatay

Malapit na ang birthday ng lolo ko. Tatay ang tawag ko sa kanya. Naalala ko nanaman siya. Mga alaalang nagpapasaya, minsan nama’y nakakapagpa-emo…

Si Tatay ang nag-alaga sa akin noong bata pa ako. Isang taong gulang palang ata ako eh madalas niya na akong kinukuha sa bahay. Siya ang nagturo sa aking magsulat, magbilang at magbasa. Naalala ko, madalas i-kwento nung teacher ko nung prep/kinder na pinilit lang daw siya ni Tatay para ipasok ako sa classroom. “Saling-pusa” daw. Tatlong taon ako noon.

Tatlong taon ko natutunan kantahin ang Lupang Hinirang. Araw-araw yan tinuturo ni Tatay sa akin. Naalala ko yung madalas naming pagbibisekleta. Sinasakay niya ako sa bike niya, na nilagyan ng maliit na upuan sa harapan para ma-angkasan. Gustong gusto ko yun. Nililibot namin ang baryo, simbahan at kung saan-saan pa, at kahit nasa likod lang ng bahay namin ang pinapasukan kong eskwelahan noon, hatid sundo niya ako.

Limang taong gulang ako noon. Tandang tanda ko, nakita ko siyang inaayos ang bike niya. Tinatanggal niya yung maliit na upuan. Umiyak ako at nagtanong, “Tay, hindi mo na ba ako isasakay pa sa bike mo?” Sumagot siyang natatawa. “Isasakay parin. Lumalaki ka na, kaya kailangan side-car na. Wag ka ng umiyak.” Pero hindi ko na nasakyan pa ang side-car. Bago pa kasi nakabili at na-assemble ni Tatay ang bike eh lumipat na kami sa Iloilo para doon manirahan. Taon-taon nalang kami kung magkita. Pasko. Mahal na araw. Pero kahit ganun, pinilit niyang maging masaya ang bawat araw na magkasama kami.

Pitong taon. Gabi. Natanggap namin ang balitang namatay na siya. Sakit sa puso. Nagbibike siya ng atakihin. Umuwi kami ng Cainta. Malungkot. Nakakaiyak.

Seventeen years na ang nakalipas. From time to time napapanaginipan ko siya. Sa panaginip ko, naguusap kami. Nagtatanong siya, pero alam ko patay na siya, and that would really make me sad or sometimes even cry. Kaya sobrang naiingit ako sa mga taong buhay pa ang mga lolo nila. Fuck, if I could have that seven years again. I’d do anything just to spend a day with him. Seven years, seven months, seven days, kahit seven seconds, pagkakasyahin ko, makasama ko lang siya ulit. If that day comes, ako naman ang mag-aangkas sa kanya sa bike ko.

I miss you and I love you Tatay.

“Hug your loved ones every chance you get. Tell them how you love them. Coz you never know when you might lose them, and you may never have the chance to tell them how you really feel.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: