batang baklita sa kalye

Pagkabata. Masaya naman ang aking childhood years. Sampung taon gulang ata ako nung bumalik kami dito sa Cainta. Ang mdalas kong kalaro ay ang mga batang kapitbahay ko. Nandiyan si Lean, Kerry, Ken, Ulo, Tenga, at Komang. OO, ganyan ang karaniwang tawag sa mga tao dito sa kalye namin. Wag ka’ meron pang Utot at Tae.

Noon, payat at lampa pa ako. Closetta. Pero noon palang hilig ko na ang pakikipaglaro sa mga kababata kong babae. Naglalaro kami ng jak-is-ton at chinese garter. Madalas tuloy akong tuksuhin ng mga batang-uhugin at batang-mabaho noon. “Bakla! Bakla!”. Noon sobrang affected pa ako, pero ngayon deadma nalang. Mamaaos sila sa pang-aasar.

May mga kalaro din naman akong lalake, pinagdaanan ko din naman yung mga teks, goma at jolens. Naalala ko pa yung kras kong kalaro. Magaling kasi siya mag-teks at siya ata ang pinakamatanda sa amin noon. Anak siya nang nagtitinda ng pansit dito sa amin. Ngayon may anak na siya, at lalo siyang naging HOT. Hmm.. yayain ko kaya siya maglaro ng “teks”. Alam ko naman na naranasan mong maglaro nitong teks, with matching assistant ka pa noh? Ako meron akong suking “assist” noon. Pakiramdam ko reyna ako, papulot dito, padampot doon.

Naalala ko noong unang beses ako nakipag-away. Baklita ang naging una kong biktima. Tinutukso ako at tsini-tsismis na bakla. Nagsumbong mga alepores ko, kaya ayun sinugod namin siya.. Natahimik siya noon. Pano ba naman, lima kami, nagiisa lang siya. First time kong manghawak ng tenga at mang-tampal. Nadala lang ako sa udyok ng mga gago kong kasama. Ngayon baklang babae na siya, at maganda na siya. HEHE!

Nauso din ang basketball noon. Oo, naglaro ako nito. Kada kanto eh may makikita kang home-made na basketball ring sa mga poste. Nung time na naglaro ako nito, madalas kong kakampi yung kaibigan kong tomboy. Mas magaling siya maglaro kesa sa mga lalake naming kalaro. Pero wala talaga. Hindi ko talaga hilig itong larong to, una ayaw ko ng pawis at ayaw ko ng body contact. Ngayon, body contact? Tara! HAHA!

At dahil ako lang ang nagaaral sa amin sa isang private school. Tali-talinuhan ang drama ko noon. Madalas magpaturo ang mga kaibigan ko sa kanilang mga assignments. At kapag naglalaro kami ng “iskul-iskul”, siyempre ako ang teacher. Bongga! HAHA! naglaro din kami noon ng “bahay-bahayan”. Oy! Hindi ako ang nanay. Anak lang ang role ko.. anak na babae. HAHA! Kung tinatanong mo kung naglaro ako ng Barbie. Isang malaking OO ang sagot ko dyan. Barbie ng pinsan ko yun. Pinartner ko pa nga kay Raphael ng Teenage Mutant Ninja Turtles eh. HAHA!

Oo, batang bakla ako, pero alam ko, pareho lang naman tayo ng kabataan. Mas matanda ka lang sa akin, o mas bata ka ng konti. Pareho lang naman. Alam kong naki-iyak ka kay Princess Sarah, Cedie, Nelo at Remi. Alam ko din na may alam kang Japanese song, kahit di mo naiintindihan, kanta ka parin ng kanta. Voltes V? Alam ko din na naki-GO! GO! ka kanila Jason, Kimberly, Zack, Billy at Trina.. or mas kilala sa tawag na Power Rangers. Naiyak ka din nung namatay si Yellow 4 diba? Alam kong na-try mo din mag-lagay ng Pritos Ring sa mga daliri mo at mag-pahid ng Lipps sa nguso mo?

Ngayon wala ng mga ganyan. Kahit yung henerasyon ngayon, di ko na nakikitang ginagawa yang mga bagay na yan. Nag teteks sila sa celphone na o kaya nag Popoker sa Facebook. Kahit di nag-aral, magaling sa computer. Nakakamiss makakita ng mga batang naglalaro, uhugin, pawisan, mabaho malikot at masayang naglalaro sa kalye. Ikaw na miss mo din ba?

Yun na~

One Response to “batang baklita sa kalye”

  1. […] Siyempre nung nagdalaginding na ako, which is the present date. HAHA! Nagkaroon din ako ng crush na hombre. Kapitbahay namin ito eh, nakakalaro ko siya sa text sa kalsada nun eh. (Nabanggit na siya sa batang baklita sa kalye) […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: