baklang single

“Tao rin kami, may puso. Nagmamahal. Kaya lang kapag magmahal kami, andaming nadadamay: moralidad, lipunan, Simbahan, seksuwalidad, asawa’t mga anak (kung mayroon).”

Ako ay nanatiling single. HAHA! Tapos mga kamag-anak ko pinapadalhan na nila ako ng mga make-up set, nail polish, manicure set at saka mga bagay na pambabae dahil nag-aalala sila sa aking gender! Echoz lang! HAHA! OO nga, bakit ang tagal ko ng single? Hmm.. Pag may nagtatanong sa akin kung bakit wala akong boylet, eto lang madalas kong nasasagot :

1. Tatawa ng malakas sabay alis.

2. Ang prospect ko ay taken na. Kung hindi taken, masyado siyang bading. O kung hindi bading, pari siya. Minsan, autistic pala. Kung hindi talaga masaya si lord na araw na yon, namatay na siya. O guni guni mo lang siya.

3. Di daw kami talo. (Pak-yu!)

4. Friends lang daw kami. (Potah! Wag na tayo maging friends)

5. Magmamadre ako.

6. Yung may gusto, ayaw ko.

7. Ayokong may makagulo sa pag-aaral ko. Busy ako masyado! (Naks. HAHA!)

8. Minsan akong nasaktan… Naks. (Siempre pag nasa madrama mood ako.)

9. May gusto siyang iba… Aray.

10. Magtitinda pa daw siya ng mani.

Pero..

Alam nyo may advantages at disadvantages ang pagiging single at pag meron kang bf/gf. At alam na nating lahat yon.😀 Ang tanong ngayon…hindi ba pwedeng magpakasaya pa rin kahit na meron ka ng bf/gf? I mean maari mo rin namang gawin yung mga ginagawa mo before. Nasa panguanwa na yan ng dalawang party. As long as masaya kayo sa ginagawa nyo, may tiwala kayo sa isa’t-isa at alam nyo ang limitations at responsibilities nyo, magagawa nyo ang lahat.

Ang pagiging single din ay isang opurtunidad din para sayo para mas makilala mo ang sarili mo. Oo nga kailangan mo rin ng iba para makilala mo rin ang sarili mo. Pero siempre ito rin yung pagkakataon para buuin ang pira-pirasong sarili mo. para bang jigsaw puzzle. at isa din itong magandang pagkakataon para mahalin mo ang iyong sarili.

Pero diba mas masaya talaga pag alam mong may nagmamahal sayo. Yun nga lang masyado tayong fixed o concentrated sa relationship kaya nalilimutan natin ang tunay na kahulugan ng kasayahan sa pag-ibig. Pag pumasok ka kasi sa isang relasyon, hindi nangangahulugang hawak nyo na ang isa’t-isa. Dapat meron pa ring freedom. Kasi once naglagay na kayo ng rules, limitation, at kung anu-ano pang demand…ibig sabihin wala kayong tiwala sa isa’t-isa.

As a conclusion…wag hintayin o madaliin ang paghahanap sa taong nararapat sa inyo. Kusa yang darating. Kaya habang single kayo…pakasaya na kayo dahil hindi talaga natin malalaman kung ano ang naghihintay sa atin pag nandoon na kayo.

Kaya dapat maging masaya tayo sa lahat ng oras. Maging masaya habang single. Wag mong isipin na walang nagmamahal sayo or hindi ka magkakaroon. Habang wala ka pa, enjoyin mo na lahat ng pwede mong gawin.

Ay nako! Basta “I am single, but I’m not alone”. (Hoping.. may dumating na na lalakeeee! Tigang na ako!!! Joke lang po!)

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: