sa isang stick ng yosi

“Hindi lang sayo umiikot ang mundo, at hindi titigil ito kahit mawala ka.”

Time : 11:00PM
Place : Plaza
Mood : Unsure

Walang magawa. Nandito ako nakaupo, nagiisa. Hindi pala. May iilang taong nagdadaan. Nag-sindi ako ng yosi. Unang hithit. Isang mahabang hit-hit ang aking ginawa, at kasabay ng aking pagbuga ng usok napansin ko ang aking paligid.

Tulad nung isang lalake na nakaupo sa may fountain. Kanina pa siya nandun, dumating ako, nandun na siya. Bakit kaya siya nandoon? Inaantay siguro niya ang kanyang girlfriend? Baka naman asawa? Mukhang binata pa eh. Baka namamakla?

May mag-syotang naglalakad. Holding hands while walking pa. Sobrang sweet kung titignan mo. Girlfriend kaya nung lalake yung kasama niyang babae? Baka naman kabit? Mukha kasing may mga asawa na sila, at hindi sila yun. Siguro ay nagustuhan lang nung babae yung lalake dahil sa pera nito, di naman gwapo yung lalake. Baka mabait?

Nakarinig ako ng tawanan. May dalawang bakla sa waiting shed. Ano kaya pinagtatawanan nila? Mukhang masayang masaya yung nakakatandang bakla. Yung batang bakla eh mukhang napipilitan lang maging masaya. Siguro naka-pick up yung matandang bakla? Yung mas bata eh natatakot pa sa ganung sistema ng buhay nya?

May babaeng nag-aantay ng sasakyan. Naka-jacket. May naka-salpak na earphone sa tenga. Ipod. Nagtetext pa. Malamang call center agent. Mukhang puyat pa siya. Pero mas aninag ang kalungkutan sa mukha niya. Bakit kaya siya malunkot? Pagod kaya siya? Siguro breadwinner siya ng pamilya niya. Kahit ayaw niya ng gawin, dapat. Kasi kailangan niya.

May mamang lasing. Susuray-suray. Mag-isang naglalakad. Siguro eh tumakas na sa inuman. Dahil siguro di nya na kaya? Bakit kaya siya naglasing? Birthday ng tropa? Baka may problema?

Yung matandang nagtitinda ng yosi. Kanina pa kaya siya nagtitinda? Siguro nga. Para may pambili ng pagkain para sa labin-dalawang anak niya. ‘O kaya naman para may pambili ng laruan ng apo niya. Mukhang pagod na pagod na siya. Hindi dahil sa pagtitinda niya. Siguro pagod na siya sa paulit-ulit na takbo ng buhay niya.

Kung mawawala kaya ako eh may magbabago sa takbo ng buhay ng mga taong ito? Malamang wala. Kahit siguro sa mga taong malalapit sa akin. Hindi ako naniniwala na ang isang buhay ay kayang makapag-pabago ng takbo ng buhay ng ibang tao. Mas naniniwala pa ako na pinipili ang pagbabago. Maging kaibigan kita, pipiliin ko ang mas makakabuti sa atin. Kung boyfriend kita, pipiliin ko ang dapat sa atin. Ang buhay ay puro choices. Mahirap? Magulo at nakakalito?

Sa buhay natin eh napakadaming tanong na hindi agad nasasagot. Pero ang alam ko, lahat ng tao may kwento. Kailangan mo lang silang kilalanin ng lubusan para malaman mo ang totoong kwento nila. Napansin kong malapit ng maubos ang yosi ko. Tinapon ko ito sa sahig at tinapakan. Tumayo ako at naginat ng braso. Naramdaman ko ang malamig na hangin kasabay ng mahinang pagpatak ng luha ng langit. Lahat ng ito, nangyari lang sa isang stick ng yosi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: