ang paruparo at ang prinsipe

butterflyprince

Maganda ang sikat ng araw sa hardin ng palasyo. Malamig ang simoy ng hangin, langhap ang halimuyak ng mga bulaklak, rinig ingay ng mga bubuyog at himig ng ibon sa paligid niya. Naglalaro at nagsasaya ang paruparo na walang dinadalang problema. Matagal na din kasi siyang nagiisa sa buhay niya, matagal na siyang nag-aantay ng magmamahal at makakasama sa kanyang buhay. Maganda ang hardin ng palasyo, berde, madaming bulaklak. Madaming lumilipad na bubuyog, tutubi, ibon at iba pang nilikha ng bathala. Mga kaibigan ng paruparo.

May bahaghari na kumukulay sa mapusyaw na kalangitan ng unang masilayan ng paruparo ang prinsipe. Masayahin, magulo at mapusok, yan ang unang katangian na nakita ng paruparo sa prinsipe. Sinubukan niyang lumapit sa prinsipe, ngunit masyado itong mapusok para sa kanyang mga pakpak. Natakot siya at umiwas.

Napadalas ang pagpunta ng prinsipe sa hardin. Napansin nito ang mga halaman, bulaklak, bubuyog, tutubi at mga ibon, hindi ang paruparo. Napalapit ng husto ang prinsipe sa mga nilikha ng bathala. Ito ang naging dahilan ng dagdag na kulay at saya sa hardin ng palasyo.

Dumating ang araw na napansin na din ng prinsipe ang paruparo. Lumapit siya dito. Nagulat ang paruparo, hindi malaman ang gagawin. Siya ba ay lilipad palapit o lilipad palayo. Puno man ng takot ang paruparo ‘ay naisip parin niyang lapitan ang prinsipe at makipaglaro.

Lumipas ang maraming pagsikat at paglubog ng araw. Dumami ang kaibigan ng prinsipe sa hardin. Napuno ng kulay at saya ang buong paligid. Pero ang ikinagulat ng ilan, eh ang madalas na pagsama ng paruparo sa mapusok na prinsipe. Dahil dito ay unti-unting nahulog ang loob ng paruparo sa prinsipe. Ang dating kapusukan na katangian ay napalitan ng banayad na haplos, at naging dahilan sa tuluyang pagdapo ng paruparo sa kamay ng prinsipe.

Naging masaya ang bawat pagsikat at paglubog ng araw para sa paruparo. Naging kasing kulay ng bahaghari ang pakpak ng paruparo. Natutunan niyang lumipad, hindi lang sa hardin, kundi sa buong palasyo. Nakalimot. Nawala sa isipan niya na hindi maari ang nararamdaman niya para sa prinsipe.

Nagpatuloy ang lahat ng ito, hanggang sa makita ng prinsipe ang isang napakagandang bulaklak. Isang bulaklak na minamahal ng bubuyog. Naging malapit ang bulaklak sa prinsipe, ganun din naman ang prinsipe sa bulaklak. Dumating ang pagkakataon na nakalimutan na ng prinsipe ang ibang nilikha ng bathala, ang mga halaman, ang mga tutubi, ang mga ibon, kahit ang paruparo. Pero nagpatuloy parin ang pag-siboy ng mga halaman, ang paghuni ng mga ibon, at ang marahang paglipad ng paruparo para sa prinsipe. Nakalimot. Nawala sa isipan ng bulaklak na hindi maari ang nararamdaman niya para sa prinsipe. Pero maging ang prinsipe ay nahumaling sa ganda at bango ng bulaklak. Nawala sa isip nila ang kawawang bubuyog na patuloy na nagmamahal ng lubusan sa kaisa-isa niyang bulaklak.

Madilim ang langit. Tahimik ang paligid ng hardin. Nalaman ng bubuyog ang mga nangyayari, muntik ng pitasin ng prinsipe ang bulaklak. Ikina-galit ito ng bubuyog at tuluyan niyang inatake, tinusok ang prinsipe. Nagulat ang lahat. Bumagal ang takbo ng oras. Lumipad ang mga ibon palayo. Dumapo ang paruparo. Nalagas ang mga talulot ng bulaklak.

Magmula ng araw na iyon ay hindi na muli pang nasilayan ng paruparo ang prinsipe. Nanatiling maputla ang kalangitan. Nabawasan ang sigla ng hardin, ngunit kailangan tumakbo ang buhay ng mga nilikha ng bathala. Pinilit ng paruparo hanapin ang prinsipe, pero di siya nagtagumpay. Nalungkot siya. Ramdam niya ang mabagal at mahinahong pagkampay ng kanyang pakpak.

At sa bawat pagsikat at paglubog ng araw sa hardin. Nagpatuloy ang buhay. naroon parin ang mga bulaklak, patuloy sa paglipad ang bubuyog at tutubi, paghuni ng mga ibon, at ang paglipad ng paruparo. Patuloy parin sa paghihintay ang paruparo sa muling pagbalik ng prinsipe sa hardin. Patuloy siyang nagmahal, kahit sa isip at puso lamang, at nangarap na balang araw.. sana ay balang araw hagkan na ng prinsipe ang kanyang mga pakpak sa palad nito.

“Ang tunay na pagibig kailanman ay hindi humihingi ng kapalit. Handa itong umintindi, magtiwala, masaktan, magparaya at maghintay.”

Fin~

4 Responses to “ang paruparo at ang prinsipe”

  1. Parang ano lang ah. HAHA!

  2. POGI KA HA HA HA HA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: