CONGRATULATIONS!! (the ex effect)

ex
“You’ve been a great part of my life. Lam mo ba yun? Kaya nga hindi kita makalimutan e, kaya nga I chose you to be my bestfriend. Kasi ayaw ko tuluyang mawala yung taong nagturo sa akin kung pano magmahal”

Wow maganda sana kung hindi ito scripted. Lam mo kasi sa position niya she needs someone like you whom he can fall back to. She needs a friend like you na alam niyang madali niyang malapitan dahil me feelings ka pa sa kanya and judging by the way you response you would do anything for her. Pero hindi friendship ang kailangan niya sayo and hindi din relationship kundi isang taong mababalingan niya ng sama ng loob niya.

I’m not saying na masama siya pero sa sinasabi niya sayo ganun narin ang pinakita niya eh, i’m not judging her to be that way dahil di ko naman siya ganun kakilala pero i think she doesn’t have the right to ask or insist herself na maging magkaibigan kayo after what she did to you? You don’t need a friend who treat you like crap and ignores you if she doesn’t need you.

Okay lang ba makipag-friends ulit sa EX mo?

Well for me, depende sa situation yun eh. Its okay. Pero feeling ko dangerous talaga. I know it’s almost impossible to loose all those feelings. Well sa experience ko kasi (naks! may experience sa ganito?), yung unang naging karelasyon ko eh.. kabit lang ako. Nanggulo lang ako. I know na mahal naman ako at mahal ko din siya, pero dahil kaibigan ko yung una niyang karelasyon, pinili ko nalang na lumayo. No formal break up. Bakit? Kailangan ba yun kung kabit ka? HAHA! Ayaw ko lang kasing makasakit ng tao at masaktan kung patatagalin ko pa diba? So yun, medyo naging matagal bago kami ulit nakapagusap nung EX ko (kung pwede siya dun sa category na yun). Naging friends naman kami. Kasi di naman masaklap yung ginawa ko sa kanya, at naintindihan naman niya yung situation namin noon. So naging madali ang pagiging magkaibigan namin. Enough of me.. what if.. niloko ka? What if pinagpalit ka sa iba? What if ineklat ka? Kinemerloo ka? Chovarloo?

Kung ang dahilan ng break-up niyo eh dahil may nambabae or nanlalake sa isa sa inyo, malabo siguro. You wouldn’t like being friends to someone who fooled you diba? Pero, kung ang dahilan naman is, malayo lang kayo sa isa’t-isa at hindi na talaga kayang i-work out ang relationship, or dahil you choose to separate ways na lang dahil complicated na ang lahat, basta ba pinagusapan ng maayos, why not coknut poknat!

At isa pa, just be friends with your ex habang wala pa kayong dalawa sa relasyon. Mahirap kasi na close na close pa kayo nung ex mo, habang may bf o gf kayo. Mahirap. Complicated. Baka hindi maintindihan nung gf/bf mo ang dahilan ng pakikipagkabigan mo sa ex mo.

At isa pa dahil hindi maiiwasan na ang isa sa inyo ay hindi pa nakaka let go sa past niyo kaya ang nangyayari ay hindi tuloy lubusan matanggap na WALA na yung relasyon, na WALA ng pagmamahal ang ex or ikaw, dahil kahit iwasan ay nagkakaroon ng konting pag-asa na BAKA sakaling pwedeng maging kayo muli dahil hindi lubusang napuputol ang ugnayan niyo because of the friendship. For some couples if ever they become friends nauuwi sa plastikan ang friendship dahil maaring napilitan lang silang to be friends para lang masabing wala silang bitterness ng ampalaya sa mga puso nila. Patola lang daw.

For me there are instances that staying friends with your ex is not really advisable. Lalo na after the breakup. Why? It would be very hard for you to move on (especially if you were not the one who “initiate” the break up thing ; na you were not the one who fall out of love, yung ikaw ang mas nasaktan at pinagtaksilan). Kaplastikan na lang yun if papayag ka. Kasi feeling ko lang ha, feeling ko lang naman darating at darating yung time na magsusumbatan kayo sa nangyari sa relationship niyo. You would just hurt yourself more. Everybody deserves to heal in time.

Pero kung di talaga kaya. Pwedeng civil lang but not friends for some pwedeng back to friends talaga. Kung ayaw mo, edi makipag-balikan ka. As long as you put her on a long leash. And you crack the whip hard. Wapaaaaakk!!

Yun na~

3 Responses to “CONGRATULATIONS!! (the ex effect)”

  1. Balik ako dito I like this topic.πŸ™‚

  2. Added to blogroll.πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: