24

birthday

Mga katanungang pilit kong bibigyan ko ng mga kasagutan bago sumapit ang aking ika-24 na bekbekday! Wala lang, para masaya. Pangdagdag kaalaman lang naman. Ito ay mga tanong na matagal nang bumabagabag sa akin, nanggaling ito sa mga kaibigan, tao, halaman at kahayupan sa paligid ko. Meron din galing sa mga aliens. Tara!

1. Anong fashion statement ang sasabihin mo kapag nakakita ka ng baklang kalbo?
– Jinky Oda? HAHA! Ate, wag kang magsusuot ng turtle neck kung ayaw mo magmukhang pawikan or, Ate wag ka magsuot ng headband kung ayaw mong magmukhang deodorant.

2. Konti lang ang may “gaydar”. Kaya hihingi kami ng tulong kung paano malalaman kung bakla ba yung nakasalubong ko sa mall kanina?
– Isa palatandaan kung bakla ba ang nakasalubong mong lalake eh, kapag tinignan mo siya at pagkalagpas niyo sa isat-isa eh titingin siya sayo. For the record walang straight na lalake ang sumisipat ng kapwa niya lalake. Isa pang effective na sign eh kung nakataas ang kwelyo ng polo shirt na suot nya, dahil malamang bakla ang nakita mo kanina. Mas maloka ka kung ang ahit na kilay nya ang nakataas.

3. Sinong pinaka worst na artista para sayo? Lalake at babae please.
– Hmm. Mahirap itong tanong na ito. Pero para sa akin ang worst na artistang babae ay si Pauleen Luna. Wala lang, okay naman siyang umarte, pero kwento kasi nung kaibigan kong nagpunta sa Eat Bulaga eh may attitude problem daw siya. Kung lalake naman ang worst ay si Rustom Padilla. Wag niyo nang itanong kung bakit.

4. Sino ang mas mukhang bading sa iyo? Si Eric Quizon, Si Epi o Si Dolphy?
– Hindi ko isasagot si Eric, dahil bading talaga siya. Pero kung ang tanong eh kung sino ang mas mukhang bading. Isasagot ko ay si Dolphy. Bakit? Napansin nyo ba ang kilay ng comedy king? Tignan nyo para malaman niyo kung bakit siya ang sinagot ko sa katanungang ito.

5. Kung yayayain ka ng sex ng ultimate crush mo, papayag ka ba?
– Hoy! Ano feeling niya, ganun ako kadaling makukuha? Pakiramdam ba niya porket patay na patay ako sa kanya eh easy to get ako. Siyempre OO. Tulad nalang nung isang araw, nakita ko siyang umiihi. Nung isasara niya na yung zipper niya eh humarap pa talaga siya sa akin, di ko alam kung inaakit niya ako o nagpapaakit lang talaga siya. Pero naririnig ko yung zipper niya…” halika… halika…”

6. Paano mo malalaman kung virgin pa ang isang bakla?
– Hindi ako eksperto sa larangang ito, dahil hindi naman ako mahilig sa sex. Pero sa aking pagoobserba, malalaman mo kung virgin pa ang isang bakla kapag, pinakain mo siya ng kamote at may tunog pa ang utot niya. Iba na ang usapan kapag parang humihingang bunganga nalang ang utot niya.

7. Parang slambook lang ito. Who is your crush?
– Naku, madami akong crush eh. Pero patay na patay ako dun sa “lalake sa tapat ng lugawan”. Gagawan ko siya ng sariling entry sa mga dadating na araw. So antabayanan nyo nalang.

8. Anong birthday wish mo?
– Simple lang ang wish ko, tulad ng madalas na sinasabi ng mga kapatid ko. WORLD PEACE!

Ayan nalang muna sa ngayon. Sana ay may napulot kayo sa mga kalokohan na pinagsusulat ko diyan.

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: