its my bekbekday

Oktubre dise-nuwebe. Birthday ko.

Im 24 and proud to be!

Di ako nahihiya sa age ko. Okay lang naman. Kasi kapag may nagtatanong kung ilang taon na ako, sinasabi ko agad yung age ko. Siyempre, madalas eh matutuwa ako sa reaksyon nila.

“24? Hindi nga? Di ka mukhang 24, ang bata mong tignan.”

Haha! Wag ka ng kumontra, bekbekday ko kaya!

Basta dapat lagi nating tandaan na ang pag-uugali o attitude at pag-iisip natin ang dapat na nagbabago o tumatanda. Marami sa atin ang mga ugaling bata o isip bata kahit tayo ay nasa tamang edad na. Aminado ako na may pagka-isip bata rin ako. Masayahin talaga ako. Makulit at pasaway. Pero kailangan kong tanggapin na lahat naman ng tao ay tumatanda at walang takas dito, maging lalake ka man o bakla. Alam niyo mga bakla, malaki ang pasasalamat ko kay Bro kasi sinulit niya ang pagiging kabataan ko with him. Ngunit, bigla akong nakapag-isip kung bakit may mga bagay na ginagawa si Bro sa akin? Isa ba itong test? O pinaghinahanda lang ako ni Bro para sa mas malaking misyon sa buhay? Di ko pa alam kung ano ang layunin ni Bro. Pero isa lang ang aking nararamdaman, masaya ako at punong puno ng pasasalamat kasi buhay pa ako, at magpapatuloy pa ang paglandi ko sa buhay na binigay sa akin ni Bro.

Natutuwa ako sa mga nakaalala ng birthday ko. Some of them even said na ‘Kala mo, nakalimutan ko birthday mo, noh?” Some, I didn’t really expect to remember. Some, I thought would remember, pero baka naging busy-busyhan din sila sa buhay nila. Or baka hindi na ako bahagi ng buhay nila. Nakakalungkot noh? Pero totoo. Pero all in all, masayang masaya ako sa bekday ko.

Sobrang saya pa din palang mag-celebrate ng birthdays. Kasi sa panahon ngayon, mahirap ng mag-diwang o magsaya kapag bekday. Pero masarap at masaya parin pala sya, lalo na kung kasama ang mga taong bahagi ng buhay mo. Alam natin na hindi lahat ng bagay at tao ay mananatili sa mga buhay natin. May mga taong darating, aalis, at mga taong umeeksena lang.

Anong ginawa ko nung bekday ko? Swimming. Inuman. Siyempre kasama ko ang mga espesyal na tao sa buhay ko. Mga kaibigan ko habang buhay. May mga taong di ko inexpect na pupunta, pero nandun sila. Kaya..

Ang aking pasasalamat..

Sa lahat ng mga nakasama ko sa loob ng bente-kwatrong taon, maraming-maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa akin. Salamat sa mga puna at payo at sa lahat ng naibigay niyong kritisismo sa akin. Malaki ang naitulong ng mga ito para sa pagkakahubog ng kung ano ako ngayon. Di ko na kayo iisa-isahin. Salamat. Mahal ko kayong lahat. Mwah mwah tsup tsup!!

Anong wish ko sa birthday ko?
“Secret…”
(sabay ngiti ng sobra sobra)

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: