oksidyen

oxygen

Taga kunsumo ka nalang ba ng oxygen ng mundo?

Ako? Ngayon hindi na.

Wala akong ginagawa. Jobless nanaman ako. Bakit? Simple lang ang sagot dyan..

Basta kasi alam ko sa sarili ko na kung interesado ako’t gustong gusto ko ung ginagawa ko, siyempre gingalingan ko. Kahit late na akong umuwi sa bahay, kahit di na maging normal yung takbo ng buhay ko, basta gusto ko lang yung ginagawa ko. Sisiguraduhin ko na mas higit pa sa ine-expect ng ibang tao ung magiging produkto ng pinagpapaguran ko.

Pero siyempre kapag wala sa linya ng interes ko yung gngawa ko, wag ka ng umasa na gaganda ung kalalabasan.

Pero narealize ko na nakakalerkey pala pag nasanay ka ng maraming ginagawa then all of the sudden wala ka ng gagawin at ayoko ng walang ginagawa dahil kung ano ano ang naiisip ko. Lokaloka kasi ako.

So yun, after ng mga sakunang nangyari sa paligid ko. Naisip ko na dapat may magawa naman ako bukod sa “paginhale – exhale” nalang ng oxygen ng beautiful earth natin. Kaya sumali ako sa isang team. Volunteer team. Ang sarap pala tumulong sa ibang tao, kahit sa maliit na paraan lang. Pangalawang beses palang naman, although nakakapagod, masaya at masarap naman siya.

At naisip ko, hindi naman kailangan na magpakalalake or magpaka-macho ka para makagawa ng mga bagay na “madalas” lalake lang ang gumagawa. Oo, bakla ako. Pero alam ko na in my own little way makakatulong ako, at maraming pwedeng mangyari o magbago sa “little” act na nagawa ko. Hindi sukatan ang pagkatao para lang gumawa ng mabuti sa kapwa. Kung gusto mo talagang makatulong, pwes simulan mo na, at wag kang maging taga-kunsumo nalang ng oxygen ng Earth.

Anong pinagkaiba ng:
Walang ginagawa sa Gumagawa ng wala? HAHA!🙂

Ang walang ginagawa, walang ginagawa. Ang gumagawa ng wala, may ginagawa. Pero wala.

Chika ko lang yan! Ito naman masyadong seryus.

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: