emo te cue

kamotecue

Mabait ka ba?

Paano mo masasabing mabait ka?

Ano ba ang mga katangian ng isang tao, para masabing mabait siya?

Maraming taong mabait. May mabait dahil may kapasidad silang maging mabait, may kakayahan silang magpakita ng kabutihan sa kapwa. Yun bang sa isip, salita at sa gawa eh kayang kaya nilang maging mabait. Pero may mga taong, kahit di mo makitaan ng kapasidad o kakayahan eh nakakagawa ng kabutihan:

1. Bata laging nagmamano o nagsasabi ng po at opo.
2. Isang lalaki na nakaupo sa LRT, tapos may sumakay na matandang babae pinaupo.
3. Estudyanteng tumutulong sa mga assignments ng kaklase niya.
4. Babaeng binilhan ng pagkain ang isang pulubi.
5. Baklang nag-paaral ng kanyang papabells.

At kung sino-sino pa..

Nakakatuwang isipin na lahat ng tao ay may taglay na kabaitan. Nakakalungkot lang na truthness eh kahit isa kang mamatay tao, tambay, mahusay na estudent, milyonaryo, artista, parlorista, durugista, at lahat ng may “ta” sa huli, eh hindi sapat ang kabaitan maliit man o malaki, halata man o hindi, para makarating ka sa langit. Minsan pa nga eh, kahit alam mo sa sarili mo na puro kabutihan ang ginagawa mo, masama parin ang tingin sayo ng iba. Sabi nga ng iba “Nobody’s perfect”. Kaya sa sarili ko lang opinyon, para maging isang mabuting tao ka, eh kaya mo rin tumanggap ng kamalian o kasamaan na nagawa mo. Parang sobrang unfair naman kasi kung ang isang serial killer eh mapupunta sa langit, tapos ang isang pari eh hinde. Diba diba?

Basta para sa akin, kung alam mong mabuti ang ginagawa mo, wag kang papaapekto sa opinyon ng ibang tao. Wala naman ibang nakakakilala sa sarile mo kundi ikaw lang. Pero dapat mo din tandaan ang pagrespeto sa opinyon ng bawat tao. Isa pa, lagi mong iisipin ang mga binibitawan mong salita o mga bagay na ginagawa mo, hindi natin alam kung iyon na ba ang huli mong salitang bibitawan, o bagay na gagawin. Sabi nga nila, ang saddest phrase in the world is “Its too late.” Masakit yun, kung mawawalan ka na nang pagkakataon para bawiin pa lahat ng kasamaang ginawa mo.

Para sa akin ang isang mabuting tao eh, yung marunong tumanggap ng pagkakamali, humingi ng tawad at magpatawad.

Ang tanong ngayon,..

Ikaw mabuting tao ka ba? O panay kain mo lang ng kamote cue? Iutot mo na yan.

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: