kalabit

Isang taon na.

Isang taon na ang blog ko. Isang taon na akong nagsusulat ng mga kalokohan at mga walang kakwenta-kwentang bagay. Sa nakalipas na mga araw, mga buwan, at ngayon nga taon, madami ng nagbago, madami na akong natutunan. Nais ko lang magbalik tanaw sa mga sinulat ko, at mga bagay na natutunan ko sa mundo ng pagsusulat at pagbabasa. Hindi lahat ng mababasa mo ngayon ay naisulat ko na, ang iba ay nasa isip ko lang at ngayon ko lang isusulat bilang pagdiriwang ng ika-isang taon ko sa pagsulat. Nais ko rin sanang ibahagi sa inyo ang mga ito, pero munting paalala lang kaibigan, wag mong dibdibin kung ano man ang mga mababasa mo. Pwede mong dedmahin at wag mag-paapekto, pero ikakatuwa ko kung irerespeto mo nalang ang mga mababasa mo.

Simulan na natin..

“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak nya, o may website bang naglalaman ng malalaking notes na kapangalan ng blog ko.. natatawa ako, at hindi makarecover sa tropa kong ito.”

“Maging handa lagi sa pagsakay ng bus, hindi mo alam kung sino ang makakatabi mo. Hindi mo alam kung kelan ka mamalasin at makakaamoy ng Sinigang sa bayabas.”

“Depende sa panaginip, diba nga may kasabihan tayo na “live your dreams”.. so ikaw parin ang masusunod kung anong mga gusto mong mangyari sa buhay buhay mo, kung gusto mong gawin yung panaginip mo go ahead diba? pero it depends parin talaga sa klase ng panaginip mo..

Kasi minsan panaginip palang, parang totoo na..”

“Wala ng imposible ngayon, ang imposible nalang e ang mabuntis ako.”

“Minsan okay lang magpatalo sa laban ng buhay, parang boxing lang naman yan eh. Marami pang rounds at rematch. Kapag di na kaya, sumuko ka muna. Magipon ng lakas at muling lumaban.”

“Face value ba kamo? Burat value ang hanap ko ngayon, tigang ako.”

“Di sa lahat ng pagkakataon, na dahil sinangayunan ka ng kausap mo e pinapaniwalaan niya lahat ng sinasabi mo.”

“Di dahil nilalandi ka eh may gusto na sayo, laging tandaan meron tayong salitang tigang.”

“Lahat naman tayo naranansan ng mawalan. Ang nakakalungkot lang eh pag hinayaan mo pang mawala kung anong natira sayo.”

“Konti lang ang binigyan ng karapatan para magpa-sosyal. Hindi dahil umiinom ka ng starbucks coffee o kumakain sa mamahalin na restaurant, pwede mo ng tawaging sosyal ang sarili mo. At siguro alam mo din ang iba pang dahilan kung bakit di ka kabilang sa mga may karapatang magpa-sosyal.”

Ang kasalanang nagawa ay parang pagnanakaw at pagkain ng tsokolate ng ibang tao. Wag na wag kang magbibintang at magturo, dahil kitang kita pa ang bakas ng tsokolate sa bibig at mga kamay mo.”

“Wag mong tawaging mature ang sarile mo kung sa mga kalokohang ginagawa ko eh apektadong apektado ka. Wag mo din tawaging mature ang mga taong nasa paligid mo kung bibigyan ka nila ng payo tungkol sa kalokohang ginawa mo, ngunit wala naman silang kamuwang-muwang tungkol dito.”

“Nakakalungkot isipin na ang tinalikuran mo pa eh yung mga taong umunawa sa lahat ng kasalanang nagawa mo sa kanila, at muli kang tinanggap bilang parte ng buhay nila.”

Yan ang iba sa mga laman ng utak at puso ko. Kung nakalabit kita sa mga isinulat ko, pwes matuwa ka dahil hindi ka pa manhid at may pakiramdam ka pa. Kung di ka naapektuhan, kurutin mo ang sarili mo, baka IKAW mismo ang maka-gising sa natutulog mong damdamin.

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: