ayaw ko sa twilight

Book. Tapos ngayon movie. Okay naman siya. Di ko lang talaga gusto itong Twilight Saga chorva na ito. Di ko talaga siya ma-feel. Pero pinapanood ko yung TRUEBLOOD, kasi para sa akin, ganun ang mga vampire. Di kagaya dito sa Twilight na sobrang off na. Feeling ko lang naman kasi, kaya patok na patok ito, kasi “uso”, madaming nanonood, madaming nagbabasa. Yung mga fans ng Twilight eh yung mga taong ayaw mapagiwanan. Sabi pa nung kaisa-isang babaeng pinsan ko (na akala ko eh fan nito), closed-minded na nilalang daw ang mga fan ng Twilight. HAHA!

Para sa akin lang ha, Twilight na siguro ang most overrated book/movie. Nakakalungkot lang kasi isipin kasi sinira nito kung ano talaga ang concept ng mga vampires at parang inu-uto nito ang mga tao, mostly mga “little girls” sa mga primitive idea that appearances are everything. Napansin ko rin yung description ni Meyer kay Edward Cullen. Halos perfect na talaga, napaka-unrealistic ng ganun noh? Nagtataka tuloy ako kung bakit kaya pag yung writer ng isang love story ay girl, lage na lang almost perfect yung mga main characters especially yung leading man. Siguro naman sa mga fans ng Twilight dyan, alam nyo kung anong ibig kong sabihin dito, over sa description yung bidang si Edward. Almost perfect. Gwapong gwapo. Eh di ko nga ma-feel noh! Try reading books of Anne Rice, or histories ng mga vampires. Para maliwanagan kayo! Tutal mahilig naman kayong magabasa diba? HAHA!

Twilight is a paranormal romantic myth. Taas ang mga kilay nyo?

Mostly fan nito eh mga girls. Feeling ko lang kasi ganito yan, girls are fond of fairy tales, of love stories, of prince charing.. ay charming pala, of love…ahhhh~! Ang sarap pakinggan noh? It isnt about the vampires, its how the emotions outpours, blended with music, plus handsome man factor, romantic line. Pauto naman kayo?! The fans, ang fanbase nito dyuskooo! Nakakalerkey! Ewan ko lang bakit ba they can’t accept opinions when people disagree with the fans or just don’t like the books. Para kang papatayin sa tingin or bigla ka nalang uupakan kapag sinabi mong di mo talaga feel itong Twilight na ito. It’s like they expect everyone to like the books as if they were the holy Bible. It’s crazy.

Haaay, wala lang. Naisip ko lang bigla, diba ang salitang twilight eh isang parte lang ng araw dati? HAHA!

Yun na~

3 Responses to “ayaw ko sa twilight”

  1. HAHAHA. Tama ka jan. Naging craze na. Pero hindi ko pa napapanood yung new moon. HAHA.

  2. Sabagay kasi nga naman super fictional. Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: