usapang tebe

Oh sya. Dahil wala akong ginagawa lately kundi manood lang ng manood ng T.V, naisip kong magsulat tungkol sa mga kabaklaang napapanood ko at mga napansin ko sa telebisyon.

Walang magawa kundi manood ng tv. Kapag nasa harap ka na ng telebisyon eh, nagkakaroon ka ng sariling mundo at bigla ka nalang tatamarin kumilos, kaya wala kang ibang gagawin kundi ang manood ng manood. Pero pano na lang kaya kung isang araw, sa sobrang kakapanood mo, higupin ka nung tv? HAHA! Ikaw ngayon ang mapapanood ng maraming tao. Sisikat ka pero di ka makakalabas. Makikita ka ng mga kakilala mo, maiisip nila na nawawala ka nga pala, kung san ka na nagpunta. Bigla nilang maiisip na hinigop ka ng tv at tama ang hinala nila. Ang kaso, sa sobrang takot, hindi nila mabuksan ang tv, ni hindi sila makalapit. Dahil baka higupin din sila. Katakot no? HAHA!

Ano ba yan, tinakot pa tuloy kita. Gusto ko lang i-share ang aking mga hinanakit at pananaw sa mga napanood kong nitong mga nakaraang araw, simulan natin.

Survivor Philippines Palau Finale
Pakiiingshet!? How come si Amanda ang binoto ng jury? Si Justine dapat ang nanalo. Bakit? Simple lang ang sagot, she played the game well. Imagine nung navote out sya at kailangan nya mag-stay sa Isla Purgatoryo at isa-isang kalabanin lahat ng susunod na mavovote out. Tinalo niyang lahat yun hanggang sa makabalik na sya sa game during the merge. Naalala ko pa yung mga sinasabi nila na nanloloko daw si Justine para makuha lang ang mga bagay na gusto niya. Well for me she just definitely outwitted, outplayed and outlasted those sore losers. HAHA! Sana lang sa mga susunod na magiging castaways eh try nilang manood muna ng original Survivor. Wala lang, feeling ko masyadong pinapairal ng mga pinoy kasi ang pride nila when it comes to voting chorva sa mga ganitong klaseng reality shows.

PBB Double Up Discrimination
Fuck you Rocky, Hermes, Patrick and Rob! Hindi ko kinaya yun talaga! Sobrang galit ang naramdaman ko…ang sasakit magsalita ng mga yun! Sana naman ipakita yung part na yun para malaman din ng sambayanang Pilipino na nakaksakit din yung mga comment na ganun. Pero bilib ako kay Rica, she still chooses Love over Hate. I’m so proud of her. Si Rocky parang di nya naintindihan ang sinabi ni big brother. Feeling nya wala syang kasalanan, parang nakalimutan na nya lahat ang kaplastikan nya kay Rica.. Kung alam lang ni Rica. Sana di nalang ginawa yung swap thing na yun, pero feeling ko lang e the only reason why this whole swap thing has happened is because ayaw ni kuya maubos lahat ng pa-sexy, pa-cute at higit sa lahat pa-inarteng mga tao ng house B. Alam kasi nila na from now on, puro House b na ang matatanggal o ma-eevict!! HAHA! How can they be so judgmental, akala mo mga perfect?

What I love about house A especially sa boys nila, may respeto towards one another regardless of age, sex, religion, beliefs, social status, principles, personalities etc, tanggap ng bawat isa and they compliment each other’s strengths and weaknesses. Take a look sa case ni Carol, kung siguro di siya nagpalipat ng bahay eh baka tuluyan na siyang nag voluntary exit. Para sa akin yung mga tao sa House B represents ignorant people, na hanggang ngayon eh madami parin pala sa bansa natin. Yung House A, it represents the ideal society while the other house represents the society that we’re in right now, esp. our society’s perception about the third sex today in general. Well.. iiwanan ko nalang kayo ng quote from Rica.

“Ang magandang laban, hindi kailangan pilayan ang kalaban.” – Rica

Oo nga pala, Rob was evicted last night! WAHAHAHAHA!

Lastly..

Why should gay people have to live in fear because of some homophobic idiots still seeing it as a great “laugh” to go “gay bashing” – its something that really makes me so angry.

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: