oooh kay sarap damhin

Ang alam ko hindi naman masama ang magmahal sa bading ang kapwa lalaki. Kasi marami naman akong friend na bading para din silang mga babae magmahal masarap pa nga yata sila magmahal kasi hindi sila mahilig magpabili at hindi nagpapakipot din. Pero may kakilala din ako na nagmahal sa bading ng totoo naman , hindi niya talaga niloloko yung bading tinutuo niya talaga nagsama pa nga sila at si lalaki ang nagbabayad sa lahat ng gastusin sa bahay. Tao din naman kaming mga bading, ang mali lang naman eh kung meron silang sinasaktan at inaapakan na ibang tao diba?

Kung di masama magmahal sa lalaki o sa babae di rin naman masama magmahal sa gay ( bading ). Being gay is not a choice, di naman namin kagustuhan na maging bading. Ang mga bading, magaling mag trabaho, madiskarte, masayahin sila at higit na gusto ko sa kanila yung maka linga at mapagmahal sa magulang. Mas talo pa nga minsan ang babae, wag naman sana magalit ang mga kababaihan. HEHE!

Pero ito ang dapat natin laging isipin yung ma-inlove feelings yun nang kahit sino na kaw lang makakaalam for what reason. Yun nga lang, pag ganitong sitwasyon asahan mo na ang maraming negative reaction sa paligid mo. It’s up to you,how you can handle it.

Pag ang straight guy eh pumatol sa bakla, bakla narin ba?
Ito ang pantasya ng mga kafederasyon natin, ang magkaroon ng jowang straight guy. Yung hindi dahil sa pera or whatsoever, yung dahil lang sa L.O.V.E! Yan ang forever na pantasya ng mga bakla. Maraming bakla ang nasa denial stage pa hanggang ngayon at iniisip pa kung merong straight na lalaki na magmamahal sa kanila.

One friend of mine told me this before..
“Ako, ni hindi ko pinangarap magsayang ng panahon sa isang straight dahil alam kong wala akong mapapala sa ganung set-up. Ba’t pa ako maghahanap ng straight kung meron namang hindi straight na straight-acting? Dami-dami na niyan ngayon.”

Syempre natawa nalang ako.

If a straight guy ever fall for a Gay, iiwan din nya ito kasi mas malakas ang tawag na laman ng babae?

I dont agree on this, besides its not all about sex diba?? Theres a hundred million ways to show your affection.🙂

I also have a question for you guys out there..

Kung ang lalake na pumatol sa bading ay bading na rin pano pag…

pag ang lalake ba pumatol sa babae, babae na rin sya?

Think about it.🙂

Yun na~

One Response to “oooh kay sarap damhin”

  1. Ung nkatabi kong kasama kong kawork sa supermarket taga fresh department sya, nkatabi ko sa unahan ng dyip, then tumibok puso ko s knya, naglapat ang aming brso sa jip hanggang sa pag baba nya, kasi ako houseware personel ako, then kinaumagahan sa work ulit lumapit sya sa area ko pero ndi sa akin may tinitingnan ndi ko lang alam kung ako o ung mga display na may gusto ata xa bilhin pero bgo pa lamang sya makarating sa area ko, nagtama na ang mata namin. Bkit gnun kahapon lang gusto ko na sya makilala.
    Straight acting guy ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: