baklanormal activity

Second year highschool ako nung matanggap ko ng lubusan na bakla talaga ako. Third year naman ako noon mapasama na ako sa grupo ng mga bakla sa school ko. Mayroon akong dalawang kaibigang bakla noon, mga kaklase ko, si Chester at Erik. Sila ang humubog sa ilang parts ko bilang isang bakla. Tinawag pa kaming Joel’s Angels noon, kasi Joel ang name ng adviser namin. Tinuro nila sa akin ang mga etiquette ng pagiging bakla. Makeover ito! HAHA!

ECHOZ. Yan ang kauna-unahang gay lingo na natutunan ko. Nawili pa nga ako sa pagamit nito, nakalimutan kong “Joke” pala ang ibig sabihin nito. Naalala ko tuloy yungminsan inutusan ako ng mudra ko..

Mudra : Bili mo nga ako ng shampoo.
Me : Echoz naman!
Mudra : Ha!?

(sa tindahan..)

Me : Pagbilan nga po!!
Tindera : Ano po yun?
Me : Echoz!
Tindera : HA!?

Nalaman ko din noong highschool na bawal pala sa mga bakla ang magdala ng napakadaming gamit. Books, notebooks, papel at kung anek-anek pa. Nagkaroon ako ng shoulder bag noon, okay lang naman kasi madaming mga lalake din ang gumagamit nun, or nagbibitbit ng bag ng mga jowa nila, so keri lang. Ang laman lang ng bag ko e dalawang notebook, dalawang ballpen, pabango at lip balm. Kabog! HAHA! Ang isang notebook, limang subjects ang laman. Kapag sinabi lang ng teacher na magche-check ng notebook tsaka ko lang nililipat lahat ng sinulat ko. Dahil madalas eh perfect ako sa better penmansip, nagpi-prisinta ako magsulat sa blackboard, para may reason sa late na pagpasa ng notes ko. Mahirap, pero sa ngalan ng kagandahan, GO lang! Ang mga libro, di naman problema. Kasi pwede kang manghiram sa ibang section. Kapag warfreak ang teacher, everyday dapat dala ang book. Paano? Bitbit sa braso na parang mga kolehiyala lang. Pero kung di na talaga keri ng muscles eh gagamitan na ito ng paper bag. Pabonggahan pa ng paper bag. Kailangan branded, di pwede ang tweety bird at winnie the pooh na paper bag.

RAPHNE. Yan ang binigay na pangalan sa akin ng mga kaibigan kong bakla noon. Pronounced as Raph-peyn. Kinuha yun sa isang teacher, noong tinawag niya yung student niyang si DAPHNE (daf-nee), pero DA-PEYN ang sinabi ng titser! Ligwak! HAHA!

Syempre mawawala ba sa makeover ang matutunan ang official sport ng kafatiran. Ang Volleyball. Tinrain ako ng mga bakla dito, halos lahat kasi sila star player sa larong ito. Pero dahil wala talaga akong hilig sa sports. Ligwak!

Ang H.S Crush? Syempre meron din yan. Ilang room lang ang layo ng room ng crush ko sa room namin. Gatong ang mga bakla nang malaman nila ang tungkol sa crush ko. Dahil nadagdagan ang powers ko noon, nagkaroon ng pagkakataon na napakilala ako sa crush ko. Kilig na kilig ako, tuwang tuwa naman ang mga bakla. Another step forward nanaman daw sa kagandahan ko yun. Naalala ko pa noon kapag exam, section namin yung nagchecheck ng papers nila sa dalawang subjects. Kinokonchaba talaga namin yung namimigay ng mga test papers, para sa akin mapunta yung test paper ng crush ko. Nakakadisappoint lang yung mga resulta ng exams niya, pero okay lang. Nilalagyan ko pa ng “Corrected by: Raphne🙂❤ Mwah!" Take note with smiley, heart at mwah pa yun. HAHA!

Noong 4th year HS, nagkahiwahiwalay kami, kaya di nakumpleto ang makeover ko. Pero atleast na-open ako sa reality na bet ko talaga ang mga lalake, na bakla talaga ako. Kilos lalake, pusong babae, yan ang nangyari sa akin. Hindi lang ako naging ganun ka expressive kagaya nila sa anking kabaklaan. Ngayon mga mukha na silang babae, magaganda na! Ako? Kuntento na ako maging isang gwapong bakla. Thankful ako sa kanila, kasi pinukaw nila ako sa katotohanan na walang masama sa pagiging bading, hinayaan nila ako i-embrace kung sino talaga ako. Nalaman ko na NORMAL pala ang nararamdaman ko. NORMAL pala ang pagkakagusto ko sa kapwa ko lalake. Nalaman kong NORMAL maging bakla!

I miss you guys.. err.. mga bakla!

Yun na~

2 Responses to “baklanormal activity”

  1. wo!!!!!!!gago mu!
    wag ka nga!hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ng mga bi’s.
    gusto din nila maging lalaki;
    ang sama mo.may karapatan silang mamili kung anu gusto nila.kung bi ba o talaggang bakla na tulad mo.ulol!!!!

    • @Mr. Mike

      Bakit ano bang pinagkaiba ng nararamdaman ng mga bisexual sa mga gay? Enlighten me pls.

      Hulaan ko.. Ang bi na nasa isip mo eh yung Baklang nagbibihis lalaki.. am i right? Para sakin kasi masasabi mong Bisexual ka kung tumitira ka ng babae at lalaki. In your case… titi lang din ang gusto mo. Therefore i conclude na gay ka na din. So ano pang dapat intindihin sa nararamdaman mo?😀

      Oh and btw, mali ka ng story na pinag post-an. HAHA!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: