lipad paruparo.. lipad

Matinding pag-iisip ‘to bago matapos ang taon..

Minsan, I ask myself, sino nga ba ako? Minsan, hindi ko makilala kung sino talaga ako. Hanggang ngayon kase, hindi ko pa rin maintindihan kung ano nakita ng iba sakin. Sino nga ba ako? Lahat ba ng qualities about me, puro negative o puro positive o sakto lang? Eh minsan nga lang naiintindihan kung bakit walang taong nagsstay ng permanent sa buhay ko…

Hindi ko masasabing isa akong paru-parong nag-hugis tao na pilit inaangat ang kanilang mga kamay upang magbigay ligaya sa kung sino man nilalang na itinuturi kong sanhi ng aking pagkabuhay. Ako ay isang hamak na bakla lang na walang magagawa kundi ang managinip at mangarap gamit ang mga telang pakpak na nakasabit sa aking likod, nakapaskil gawa ng kadenang pinilit na gawing palamuti, kapalit ng paglipad.

Well siguro I have to stop thinking about the past — the negative parts of it, at least. Ive done my share of that, at wala itong naidulot na maganda sa akin. Ngayon sinasabi ko sa sarile ko, Why not look to the future instead, and think about all the good things that lie ahead for me. Kailangan ko nang pumasok sa aking cocoon at magsimula na isang mahaba-habang methamorphosis, para maging isang ganap na at makulay na paruparo.

Masaya parin ako dahil sa mga taong nasapaligid ko, na alam kong hindi na namin dapat magbilang ng taon kung hanggang kelan kami magkakasama, ang alam ko lang dahil sa kanila, naniwala ako sa FOREVER.

Habang binabasa niyo ito, siguro nakikinita-kinita niyo na ang ngiti kong abot-tenga. Naisip ko din naman, masaya ako at magtatapos ng masaya at matiwasay ang taon para sa akin. Madami akong mga natutunang bagay. Madami akong napagdaanan para mapatatag ako, at ihanda para sa mga susunod ko pang rampa sa buhay at higit sa lahat madami akong mga poging papang nakita.

Ang tanong, handa na ba akong lumipad ng matayog sa darating na taon? Kayo handa narin ba kayong lumipad tulad ng isang malayang paruparo?

2 Responses to “lipad paruparo.. lipad”

  1. Dear Mr Alembong,
    HellO! Isang gabing papakagat ang dilim, habang binabrowse ang pages ni Ms. Carizza, ay naligaw ako sa iyong site. Natanggal ang stress ko sa aming maghampong Olympics.
    Maraming unfair sa mundo. Maraming katanungang hindi alam kung kanino itatanong. Maraming maaaring magbigay ng posibleng sagot…pero at the end…pagkatapos nating marinig ang iba’t ibang pagkakagandang sagot… muli tayong babalik sa basic question ng larong mabuhay–bakit unfair ang mundo?
    Masaya ako para sa iyo…na sa kabila ng sabi mo’y maraming negative parts… e nagagawa mong ngitian ang mundo at ipagpatuloy ang buhay.
    Hangad ko ang kapayapaan para sa iyo.
    God bless!

    • Mr Alem Bong Says:

      Salamat ng napakadami. Ganun lang naman talaga dapat, patuloy na ngitian ang mga hamon ng buhay. Life is short para magmukmok pa diba? Go rampa tayo mga sister!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: