booking

Lahat ng tao naghahanap ng makakasama sa buhay, kung hindi man sa mga bagay na nais nilang gawin lagi silang naghahanap ng karamay. Pero meron din naman na mahilig talaga mag-isa. Kagaya ko, ito ang kwento ko na masyadong kakaiba sa mga nararanasan ng marami. Pero tulad din ng ilang kwento ng buhay, nagsimula rin ito sa mga tinatawag nating, unexpected turn of events.

Isa lang ito doon…

Napapadalas ang inuman namin sa tinatambayan naming “lugawan”, at madalas din nakakasabay namin ang inuman sa tapat namin, kung saan nandoon ang pinagpapantasyahan kong lalake. Ang lalake sa tapat ng lugawan. Madalas eh o sabihin na natin, palagi ko siyang tinatapunan ng tingen. Titig na titig ako sa kanya at mukhang nahahalata niya ang ginagawa kong pag-sipat sa kanya kaya ng tumingin siya sa gawi ko ay na-caught off guard niya ako. Syempre dali-dali akong nagbawi ng tingin at nagmamadaling umayos ng pwesto. Malakas ang kabog ng dibdib ko ng mga sandaling iyon. Never pa ako nagkaganito sa buong buhay ko. No one inflicted this kind of efffect to my system.

Malapit ng matapos ang inuman namin ng biglang lumapit sa amin ang isang kainuman niya at ikinagulat ko ang sinabi niya, kung pwede daw join nalang daw kami ng inom with them. Syempre sumangayon nalang kami sa gusto nila. Lumipat sila ng pwesto kung saan kami naka-pwesto at tinuloy na ang inuman.

Tumabi sya sa akin. Na lalong nagpakabog ng dibdib ko. Tinitignan niya ako. Tapos nagpakilala kami sa isa’t-sa. Inabot pa niya ang kamay ko, nanlamig talaga ako ng mga oras na iyon. Pero sumimple lang ako, inisip ko na dapat I-treat ko siya coldly para di masyadong obvious na crush ko siya. So yun, inom-inom, usap-usap. Di ko siya masyado pinapansin at kinakausap dahil nga nahihiya ako sa kanya.

“Uhmmm!!” kunwaring hirim nya.

Napatingin ako sa kanya, ikinagulat ko ang rekasyon nyang iyon. Nagpapapansin kaya siya? Yan ang tanong ko sa sarile ko.

So biniro ko siya, “Uuy! Nandyan ka pala!”

Kinalma ko ang sarili ko, hindi pwedeng mahalata niya na ganun ako ka-excited na kausapin siya. Tinignan ko siya sa mata. Nakita ko ang pagkainip sa mga mata niya. Matagal kasi bago ako ulit nakapagsalita.

“Tignan mo itong si Rap kung makatitig oh! Parang sila lang ang tao dito” epal ng isa kong kaibigan.

Iyon ang dahilan ng pagkaputol ng pagkakatitig ko sa kanya.

“Hindi ah! May iniisip lang ako.” sabat ko naman bigla.

Gosh! Masyado na yata ang pagiging transparent ko sa harap ng crush ko.

Inayos ko muli ang sarile ko, at nagtanong sa kanya..

“Kamusta?” ang tanong ko.

“Okay naman ako. Mukhang malakas kang uminom ah.” sagot naman nya.

“Hindi naman. Sakto lang. HAHA!” sagot ko naman sa kanyang may kahalong ngiti, at titig na nakakatunaw.

Kinakabahan ako ng mga sandaling iyon, hindi maipaliwanag na damdamin. Masyado kasing madaming pumapasok sa isipan ko ng mga sandaling iyon. Grabe! Iba talaga ang effect pag kaharap mo ang crush mo. Hindi ka makapagisip ng tama.

Nang mga sandaling ito, eh paubos na ang iniinom naming alak. Eh medyo bitin pa ang mga kasama namin, kaya naisipan namin na bumile pa. Nagprisinta siyang, siya nalang daw ang bibile. Ikinagulat ko ang mga sumunod na eksena. Niyaya nya ako!

Tumayo akong kinakabahan, at lumapit sa kanya para umangkas sa motor niya, ng biglang…





“NAAAAAAAAAAAK! Tanghali na aba!! Gumising ka na dyan!” sigaw ng mudra ko!

Napadilat ako bigla. Napasimangot. Panaginip lang pala. Badtrip ako buong araw.

Yun na~

“Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na din sa bagong gising, wag lang sa baklang naagawan ng booking.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: