katunayan with matching tatak

Ayon ito sa Tunay Na Veyklas, Mga katibayan at katunayan.. simulan na.. BASA!

1. Ang TUNAY NA VEYKLA ay laging tulog kapag may pagkakataon. Sleeping beauty para (1.) ganda ng fez at skin pagka-gising, (2.) para di ga-maleta ang eyebagey, at (3.) para mega energy sa rampa.
Exception: mga taong bangag ever sa bawal na gamot (pero ang mga gandarang veykla na bangag sa hormonal pills na pampadagdag boobs at pampawala ng bigote at hairla sa kilikili ay pasok!)

2. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega super text back. Kever kung sang lupalop man ng bansa. Afraid ma-warla ng jowa-jowaan sa text. Kinakarir din ang pagpapasaload sa mga betinang mhenchaluz.

3. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega long-ish mag-reply sa text. Di pwede ang reply na “K” lang. Sad ever agad kapag di tumutunog ang celphone to the tune ng kanyang latez fave dance tune hudyat na nagtext back na sa wakaz ang tinext n’ya 10 hours ago 10 times ng “Hi. Musta ang sweety ko?”. Meron din s’yang SIM ng lahat ng networks. Para text-proof at call-proof ang buhay

4. Ang TUNAY NA VEYKLA ay alam kung ano ang sinasabing “pekpek shorts” at meron s’ya nitwu o lihim na umaasam na magkaron nitwu. Parang little black dress baga, or kamison ni Mother Lily, dahil may powers itwung taglay.

5. Ang TUNAY NA VEYKLA ay never umaaming nag-e-extra rice.

6. Ang TUNAY NA VEYKLA ay either may (1.) parlor, (2.) bet tumambay sa parlor, (3.) or bet magkaron ng parlor balang araw kung makalusot kay fadir. (note: may mga tunay ding lalakeng tumatambay sa parlor at alam ng tunay na veykla kung ba’t sila andun)

7. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may either (1.) may “love handles” (not to be confused with the botchog bilbilicious ng mga menchaluz)–dahil na rin itwu sa kakajoin sa inuman ng mga menchaluz, or (2.) zuper payatollah sa pag-mumudil sa Malate, (3.) may abs para makabingwit din ng kapwa-ko-mahal-ko nilang umaasam din ng mga abs sa Malate.

8. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super dance diva sa dance floor or kahit sa shore ng Puerto Galera kung lasengga na.

9. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super mega-videoke ang libangang tunay. Ang range ng kanta ay mula sa napaka-birit na kantang “Wherever You Will Go” ng The Calling, “Half Crazy” ni Johnny Gill, hanggang sa super baba na “Emotions” ni Mariah Carey or “Listen” ni Beyonce. Keber na kung may karapatan man sila sumingalore o wala.

10. Ang TUNAY NA VEYKLA ay okrayera pa-simple man o harapan. O kahit sa kapwa tunay na veykla.

11. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best mag-deliver ng joke. Kahit ‘di na nagjo-joke.

12. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling magsulat ng kwentong ka-elyahan na OM to OM.

13. Ang TUNAY NA VEYKLA ay laging malinis ang p’wet.

14. Ang TUNAY NA VEYKLA ay hate kajoin ang mga tomboyitang babae na nagpapakalalaki.

15. Ang TUNAY NA VEYKLA ay napapa-ingles ‘pag nagagalit. Kahit di tama ang ingles, go lang ng go. Kahit mura lang.

16. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best sumagot sa Q & A portion.

17. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig sa beauty contests, kasali man sila o hindi.

18. Ang TUNAY NA VEYKLA ay kinakarir ang pagsali sa Ms. Gay contests mula Aparri hanggang Jolo.

19. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig magpa-contest ng mga Ginoong something something at magpasuot ng mga skimpy at white na trunks sa mga mhenchaluz na contestants.

20. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mabilis magkabisado ng mga mahahabang sagot sa Ms. Universe beauty pageant man or sa Binibining Pilipinas, o kahit sa barangay level lang.

21. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may soft spot sa mga (1.) construction worker, (2.) kargador, (3) security guard, (4.)sundalo, (5.) marino, aminin man o hindi.

22. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling umanggulo sa piktyuran man o sa halahan.

23. Ang TUNAY NA VEYKLA ay rampadora. Kering keri n’ya ang maglakad ng madaling araw mula sa Quiapo hanggang Fairview sa ngalan ng rampa. Kaya’t pasensya na sa mga mhenchaluz na namataan nila saktong sumisikat na ang araw. Tunay na veyklang hayok ang makikita nila.

24. Ang TUNAY NA VEYKLA, pag mayaman at tumanda na ay natural na napapatambay sa mga basketball courts ng mga schools na sikat.

25. Ang TUNAY NA VEYKLA ay madalas na pang-maton o pang-hoodlum ang pangalan. i.e. Amador.

Salamat sa may akda.

Yun na~

2 Responses to “katunayan with matching tatak”

  1. Ay bongga parang yung pag babae nga naman ko. Hehe.

    Pero maganda to, kabog e. Ang light basahin.

    Sana bakla din ako para masaya ako magsulat. HAHA.

    Happy Valentines sayo at kay BatMan. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: