magkano ang iyong et et

Nagkakwentuhan kami ng isa kong kaibigan sa text, Si Earl, niyaya niya akong lumabas, punta daw kami sa isang lugar kung saan madaming “fafa”. Sagot daw nya. Maganda daw dun at siguradong mageenjoy ako. Dahil first time ko at gusto ko lang naman ma-experience yun, pumayag naman ako.

Sabi ni Earl, ma-mimickup daw siya at ako daw ang aaksyon. Edi tinanong ko siya kung magkano, at kung anong gagawin ko. Sabi ni Earl, mayroon daw 500 pesos lang, solve na daw ako. Bale sa mumurahing motmot nalang daw namin bitbitin yung mga mapipick-up namin para makatipid. Um-oo nalang ako, dahil sagot naman ni Earl ang lahat ng babayaran. Di naman ako papayag kung gagastos ako noh!

Earl : Ano ba, mura na yun! Tsaka okay naman tong mga to eh. Malilinis yan.
Me : Bakla, tried and tested? Suki ka dito noh?
Earl : Di naman masyadow.

Me : Okay. Sabi mo eh.
Earl : Word of advice lang, always use protection ha, alam mo naman ang balita tungkol sa aids ngayon diba?! (Baklang to, matapos sabihin na malilinis, tatakutin ako bigla). And wag ka papauto sa mga kwento nila. Pare-pareho mga kwento nyan bakit nila ginagawa yung ganyang trabaho.

Me: Ano bang kwento nila?
Earl : Pera. Financial problems. Gustong mag-aral chorva, may sakit yung mudra ketch. Wag kang bibigay, at lalong wag kang magbibigay ng dagdag sa ibabayad natin ha.
Me : Uhm. Okay. Sige, bahala na.

So, pumunta na nga kami. Habang papunta kami dun sa place na yun, naalala ko yung napagusapan namin ng mga kaibigan kong baklush noon, yung tipong rerenta ka ng lalake, para lang makipag-kwentuhan. So, dahil pera naman ng kaibigan ko ang gagastusin niya, ganun nga ang plano ko.

Pagdating naman sa place, ang daming tao. Bakla. Lalake. Bakla. Lalake. Panget. Hipon, at mga Yummy.

Earl : Halika, papakilala kita dun sa isa.

Lumapit kami dun sa isang lalake. Gwapo. Type ko.

Earl : Mark, meet my friend. (Sabay bulong, na narinig ko naman.. “first timer”)
Nakipag-shake hands ako.

Napangiti itong si Mark.

Dumating din yung kasama ni Mark, di ko maalala yung name eh.

So lumabas na kami dun sa meeting place, at nagpunta sa isang motmot (motel). Tagisang room ang kinuha ni Earl. Madaming pera ang bakla. Kasama ko sa room yung Mark. Mas gwapo pala siya sa malapitan. Pwede itong ipakilala kay Pudra at Mudra. Boyfriend material ang dating niya.

Mark : Oh, wala kang imik dyan.
Me : Nahihiya lang ako. Real name mo ang Mark?
Mark : Nope.
Me : So anong real name mo?
Mark : Sus! Di ko naman inalam buong pangalan mo ah. Tara na!
Me : Wait! (natataranta na ako) Nagaaral ka pa?
Mark : Oo. Nag-stop lang ako. Mahal kasi mag-aral ngayon diba? Hubad ka na!
Me : Matagal mo na bang ginagawa to?
Mark : Wag mo nang sayangin oras mo. Sayang! Wag ka na masyado matanong.
Me : Last na, tapos game na. Matagal ka na sa ganyang trabaho?
Mark : Matagal-tagal na din. Bakit ganun kayong mga nakikilala ko, ang dami laging tanong, pare-pareho lang naman. Anong pangalan ko, saan ako nakatira, nagaaral ba ako.
Me : Wala lang, ayaw mo nun. Makikilala natin isa’t-isa ng mabuti.
Mark : Bakit? Kailangan ba yun?
Me : Hindi naman. Malay mo magkita tayo sa mga susunod pang araw. Atleast may background tayo sa isa’t-isa.
Mark : Ayaw mo ba mag start?
Me : Wag nalang. Ayaw ko naman talaga nito, yung isa kong lang kaibigan ang mapilit eh. Don’t worry di na ako magtatanong, concern na tao lang ako. HEHE!
Mark : Concern? HAHA! Ngayon lang tayo nagkakilala diba? Pano mo nasabing concern ka. Bigyan mo akong pera, pagaralin mo ako, kung talagang concern ka sa akin.

Di na ako nagsalita, binigay ko nalang yung napagusapan. 500pesos din yun. Sayang! Pero okay lang. Atleast di na siya napagod, kumita pa siya. Sayang trip ko panaman siya, kaya lang di ko feel balahurain eh. HAHAHA!

Habang inaantay ko si Earl sa labas. Nagyosi muna ako.

Dumating na si Earl, naparang di makalakad ng maayos. Parang natae, at todo smile ang loka-loka. Mukhang solved!

Earl : Oh bakla. Ano ka na?
Me : Okay lang. Nakipagkwentuhan lang.
Earl : Di naman toh nakikinig sa akin ah. Sigurado akong nagsabi sayo ng problema yan. Pera nanaman noh?
Me : Oo.
Earl : Haay..
Me : Gaga! Bago lang sa akin toh..

Nilibre nalang ako ni Earl. Kumain kami. Unti-unti ko rin narealize na madaming kwento na hindi dapat paniwalaan. Tama din si Mark na huwag na ako magtanong ng kung anek-anek. Sa huli, naisip ko na sana eh bumonggang booking nalang ako kesa nakipagchikahan ng walang ka kwenta-kwentang bagay.

Naalala ko ang sinabi sa akin ng isa kong kaibigang bakla.. Never daw siyang makikipagboyfriend sa lalakeng pera lang ang habol sa kanya. Kapag nagsimula nang manghinge, goodbye na agad. Bilib ako sa kaibigan kong ito, mahirap yun sa isang relasyon na katulad ng sa amin. Mahirap. Mahirap makatagpo ng lalakeng pipiliin ang pagmamahal kesa ang pera. Hindi ko naman nilalahat ang mga lalake, pero let’s face the reality, ganun talaga siya. Ganun ang patakaran. Kapag wala ka ng datung, goodbye boylet. Si boylet lipat sa ma-datung na bakla. Masakit na katotohanan, kailangan tanggapin.

Yun na~

12 Responses to “magkano ang iyong et et”

  1. LOL. Ang saya ng blog mo. Can I add you on my blog roll? :p

  2. True story ba ito sister?

    Ano pala yung hipon? Haha.

  3. Bakit wala yung comment ko???????

  4. Kain ulo tapon katawan? Bakit parang baliktad?

    Ah may ganun pala. Yummy pero hindi pogi? HAHA.

  5. Sana meron akong Earl!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: