im backk-laaa

Helleklavu guys chenelin! Etetch na bokin at nagvavalik na ulit sa mundetch ng pagsusulat chenelin. Na-miss ni lolabelles itechi chorva. Bagetch ang layout chenes, orange chorva. Haha! Malande lang chenelin! Pereklavu hindiski soya fezng malasaw chenes. Medyeklavu natagalan kasiski sokim sa pagiisip at naging masyadong naging busy ang jokawng lingkod chorva. Hahatchi! Tsaka minsan kasi wish bokinng maisip na maisulat eh. Chenes. Washington jokimng maisip na techipic natchi pwede kong i-share chenes, pureklavu kabaklaan lang. Ayos naman yun diba?

Nahirapan ka bang intindihin? Eto siya…

Hello guys! Eto na ako at nagbabalik na ulit sa mundo ng pagsusulat. Na-miss ko ito. Bago ang layout, orange. HAHA! Malande lang! Pero hindi siya mukhang malasaw. Medyo natagalan kasi ako sa pagiisip at naging masyadong naging busy ang inyong lingkod. HAHA! Tsaka minsan kasi wala akong maisip na maisulat eh.. wala akong maisip na topic na pwede kong i-share, puro kabaklaan lang. Ayos naman yun diba?

Ayoko nang mga taong walang maisip na topic. Ay hindi naman sa ayaw, parang hindi ko lang feel. Kasi tahimik akong tao sa personal, kapag hindi mo ako kinausap, hindi din kita kakausapin. Ayoko nung makikipag usap para makipag kamustahan lang. Dapat, pag kakausapin niyo ako, marami kayong topic na sasabihin. Importante man iyan o hindi, tungkol man yan sa putok sa kilikili, putetengs at vajejeng basta nasa mood ako, mauutot tayo sa kakatawa.

Ah eto.. Madalas akong nakakakita ng kinukutsang bading ngayon sa T.V. BAKEEEEEET!? Gusto nyo bang malamon sa kumukulong apoy ng impyerno kasama namin? Na madalas sinasabi ng iba.. kunwari..

Scene : Mag-out si Brian.

Brian : Nay.. tay.. B-b-b-b-b- bakla po ako. (sabay cryola to death)
Nanay : Huhuhu! (cry lang)
Tatay : Ano nanaman yang pinagasasabi mo!!? Bakla kaa? Sa impyerno mapupunta ang kaluluwa mo niyaaan! Malilintikan ka sa akin! Umayos ka!

Bakit ba lagi nilang sinasabi yun? Na sa impyerno mapupunta ang kaluluwa ng isang baklang tao? Pero ang totoo nyan, HINDI natin dapat kondenahin ang mga bading, bakla, beki, atengs, vekveks. Mga tao din kami. Marami nga yatang “bading” na mas responsable pa — bumubuhay ng ina at mga kapatid. Mas ‘lalaki’ pang matatawag kaysa sa mga “barakong mama’s boy” na tamad kumayod para buhayin ang sariling pamilya. Mas madaming mga “normal” na tao ang mas masasama ang ugali, pumapatay, nagnanakaw, nang-re-rape. Samantalang ang mga bakla, nangkukulot, nagpepedicure, manicure, nagrerebond, humahada at nagppapabona lang.. anong masama dun? Pinapaganda at pinapasaya nga namin ang mundo divaaah?

Ngayon? Sino ang pupunta sa impyerno? Saksak puso tulo ang dugo!
Eto na muna for now. Na-miss ko kayong lahat mga bakla.

Mister Alembong loves Bekimon.🙂

Yun na~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: