Dear Mr. Alembong

Itong kwentong ito’y ay pinadala ng ating letter sender na itatago nalang natin sa pangalang JZ. Narito ang kanyang kwento.. charot!

All Boys

Nag-aral ako sa isang exclusive shcool for boys noong elementarya at hayskul, kaya natuto akong mag-focus – mag focus sa mga boys. Hindi naman, pero kaakibat na ng pag-aaral ng isang tagong baklang katulad ko ang pag-admire sa kakisigan at kagwapuhan ng aking mga kamag-aral – sa lihim na paraan.

Nang ako’y nasa unang baitang pa lamang ay alam ko nang kakaiba ang nararamdaman kong paghanga sa kapwa lalaki – at hindi iyon normal. Kaya’t ang paghangang nararamdaman ko ay sinasarili ko na lang. “Uy, crush ko si ma’am. ‘Wag mong sasabihin, ha?” Bulong sa akin ng katabi ko. In fairness, cute ‘tong kaklase kong ‘to sa grade one. Ay, hindi ko pa pala alam ang ekspresyong “In fairness” noon. Sa ganoong klase ng banat ko napagtatanto na kaiba nga ako sa karamihan.
Grade two ako noong una akong nakakita ng kalaseng bakla. Pumapalo ang bewang kung maglakad, magaslaw, may pink na pencil case at bag, pero garalgal ang boses. Napagtatampulan siya kadalasan ng tukso kaya’t lalong tumibay ang paniwala kong hindi tanggap ang ganoong klaseng lalaki. Mas inigtingan ko pa ang pagtago. Ngunit hindi ko alam na may naghihinala na pala sa akin. Bagama’t tahimik ako ay may nakakapansin pala sa akin. Pumorma siya ng ganito. Tumabi siya at ang isa pa naming kaklase sa akin at sila’y nagkwentuhan ng tungkol sa magasin ng kanilang mga kuya na may hubad na mga larawan ng mga babae. Sila daw ay palihim na tumitingin sa mga iyon at sila’y tinitigasan. Bigla niyang tanong sa akin, “Ikaw ba, anong feeling mo pag nakakakita ka ng bold na babae?” Ang sagot ko naman, “Tinitigasan din ako pag nakakakita ako ng hubad na babae, ah!” Sabay tingin sa akin ng may halong suspetsa, sabay alis. Hindi ko alam kung bakit ko biglang naisagot ang mga katagang iyon kahit na kabaliktaran talaga ang nangyayari. May mga butil ng pawis na namuo sa aking noo.
Hindi ko napapansin ngunit padami na nang padami ang mga kauri ko sa aming batch, at least yung mga ladlad at sobrang halata. Ngunit takot pa rin akong mapabilang sa kanila gawa nang mainit ang mga mata ng siga o mga jerk sa shcool sa kanila dahil kanila itong pinagtri-tripan.

Lumipas ang mga taon, at ang mga paghangang nararamdaman ko ay hanggang paghanga lamang. Ngunit noog grade five ako, may kakaibang nangyari. Noon pa man, malakas na ang appeal ng mga guys na semi-kalbo. Bukod doon, maganda ang tubo ng ngipin, malinis sa katawan, at malaman ngunit hindi mataba, yung katamtaman lang. Palangiti, palakaibigan, hindi siya jerk, hindi siya nerd. Dahil nga lagi ko siyang katabi ay minsan nagtatanong sa akin ng sagot at minsan ay pinapakopya ko sa mga eksam. Mga kwentuhan tungkol sa mga paborito naming anime series sa telebisyon ang madalas namin pinagkakaabalahan tuwing bakante at walang ginagawa. Madalas niya akong ipag-drowing ng anime na mga bagay-bagay. Pati ako ay ginawan niya ng anime na drowing. Sobra ang palagayan namin ng loob sa isa’t isa hanggang sa dumating ang tema ng kwentuhan sa ari ng lalaki. Malaki daw ang kanya pagkat noong sanggol pa laman siya ay natuli na ang kanya, ngunit ang akin ay noong bakasyon pa lamang bago mag grade five. Sinabi ko sa kanyang hindi ako naniniwala. Handa daw niya itong patunayan sa akin. Nais niyang ipakita sa akin ang ari niya sa aming recess sa isa sa mga CR sa grade one building dahil hindi iyon pinupuntahan ng mga grade two pataas. May eksaytment akong naramdaman nang mga panahong iyon, kasabay na ang kaba na baka may makakita sa amin sa gagawin naming iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan akong kausapin ng aking guro, kaya’t hindi ko napuntahan ang aming napagkasunduan. Sa dulo sa likod kami nakaupo kaya’t ang ginawa na lang niya noong nagkaklase kami ay inilabas nya ang ulo ng kanyang ari sa itaas ng pantalon na suot niya. Nagulat ako sa ginawa niya at napatitig na lang sa ulo ng ari niya nang mga ilang segundo nang, “Ano, naniniwala ka na?” sabi niya sa akin nang may halong pagmamayabang. Napalunok na lang ako ng laway at sinabing, “Oo nga.”

Noong hayskul naman ako ay nagkaroon ako ng malalapit na kaibigan. Ka-batch ko sila sa elementarya dahil accelerant kami sa batch namin at hindi na dumaan pa ng grade seven. Nagpaalam na ako sa mga crush ko sa batch namin. Malungkot man ay palihim ko lamang itong ginawa, at sarilinan pa. Kasabay nito ay ang pananabik na makasama sa klase ang ilang mga hinagangaan ko sa naunang batch sa amin. Lima kaming magkakaibigan noon. Sina Baba, Elo, Fritz, Alfred at ako. Bilang grupo ng mga geek, madalas kami nakikitang nag-uumpukan sa mga mesa sa canteen na nag-rereview, gumagawa ng mga asayment na tulong-tulong, at kwentuhan na rin tungkol sa kung anong mga bagay. Tatlo sa aming lima ay makikitang malambot ngunit hindi umaaming bakla. Hindi ako sasama sa tatlong iyon. Napagtatampulan tuloy ng tukso ang grupo namin na makisama na lang sa Fab Five.

Hindi ko alam kung dahil sa nauusong series na Queer Eye for Straight Guys nila nakuha ang pangalan nila. Siguro nga dahil imposible namang sa The Beetles iyon nila nakuha. Ang Fab Five ay grupo ng mga ladlad at malalanding mga bading, kinabibilangan ng ilang mga higher batch. Tumitili, nang-ookray, mga pa-girl, ang iba ay nagmu-muk-ap. Kilabot sila. Dahil kikilabutan ka sa kanilang kalandian. Hindi rin sila magawang masita ng school admin dahil nga sa pagkaboka nila ay kaibigan nila ang mga guro.

Si Jasper ay napapalapit sa Fab Five noong first year high school. Dumadalas na ang sama niya sa Fab Five kaysa sa amin. Hindi naman namin sinisita dahil feeling naman namin ay iyon na ang hudyat ng kanyang pag-amin sa totoong pagkatao niya. Nang sumunod na taon ay apat na lang kami. Tuluyan nang sumama si Jasper sa Fab Five. Fab Five pa rin ang tawag sa kanila kahit anim na sila, parang Three Musketeers na apat na muskiteros ang bumubo. Nang sumunod na taon ulit ay tatlo na lang kami, gawa nang sumama na rin si Elo sa Fab Five, ngunit nalagasan sila ng dalawa noon dahil nagtapos na ng hayskul yung dalawa, kaya tamang Fab Five ulit ang tawag sa kanila. Nagkakalokohan na sa aming tatlong natitira sa barkada namin na baka sa susunod na taon ay dalawa na lang ang matira. Sinabi nang isa na “Hindi niyo ba napapansin? Alphabetical order ang pagsama sa kanila.” Napalagay naman ang loob ko – kuno – dahil huli ako sa aming lima, at todo-hindi naman itong susunod sa linya. Tama nga, at dalawa na lang kaming barkada nang aming fourth year.

Sa nilakad ng apat na taon ko sa hayskul ay malaki ang naiunlad ng aking kamalayan sa mundo ng ikatlong uri. Natutunan ko na ang siga man sa labas ay may natatagong pagtingin din sa mga bakla, tulad na lang nang malaman ko na ang mga sisiga-siga sa batch namin ay may kapartner sa Fab Five. Nakaktuwang isipin na ang dahilan pala ng pagkawala ng pagkakaibigan ng dalawa sa mga jerks sa aming batch ay isang magandang bakla, kay haba-haba ng hair. Nalaman ko rin na may motel pala sa loon ng paaralan – ang CR na kung anu-anong kababalaghan ang nangyayari. Nalaan ko rin na ang mga lalaking tigang, sa lalaki din pumapatol. Nalaman ko rin na masayang manood ng basketball, lalo na pagkatapos ng laro. Nalaman ko rin na ang out-of-town recollection pala ay honeymoon ng mga baklang mag-jowa.

Bow!

Lubos na gumagalang,
JZ

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: