slambooking : kras kors

Sinong kras mo?

Naalala ko, nung highschool pa ako. Mabentang mabenta yung tinatawag nating “slum book”. Kung saan lahat ng baho mo ay no choice mong mailalabas. Lahat ay tinatanong dito. Kasama na diyan kung ano ang tingin mo sa salitang Love. Wag ka, kasama pa diyan yung mga paboritong mong bagay tulad ng kulay, pagkain, music, tv show at sex. Ayy, ako lang ata ang may paborito ng sex. HAHA! Lokaloka, gender ang tinutukoy dyan. Mga tanong yan na akala mo naman eh maaring makapagpabago ng buhay ng sino mang makakabasa nito. Siyempre nung mga panahon na yun eh no idea ka sa mga ganyan, kaya ang nilalagay mo nalang eh M2M. Man to man, este Many To Mention.

Favorite ko dito yung describe yourself, yung tipong pakapalan ng mukha at pa-humble-lan ang labanan dito. Isa sa dalawa lang naman yan eh, makapal ang mukha na mag-susulat ng “cute, pogi, mabait,..at kung ano ano pa.” o “describe o judge me nalang..”

Hindi ko alam kung bakit kailangan i-judge tayo ng isang book, eh samantalang hindi naman tayo book. Sabi nga diba? Dont judge the book if your not a cover! HAHA! Magulo ba? Sensya na adek lang.

Pero… Pero…

Pero wala paring tatalo sa panalong tanong na…

Who is your crush?

Ewan ko ba. Bakit nung kabataan ko, o sige natin.. madaming interesado sa crush crush na yan kapag HS ka palang. Pero ngayon naman, parang utot nalang siya na lumilipas at mabaho. HAHA! Noon kasi, big deal yan, usapan sa buong campus kung sino ang crush ni ano at yung crush ni ano ay crush din yung crush ni ano.

Ako? Noong bata pa ako, which is the present date. HAHA! Madalas puro artista lang ang crush ko eh, siyempre deadmakells pa ako. Bellas ang kras ko noon, naalala ko gustong gusto kong nakikita si Camille Pratts. Pero ngayon nakakadire na siya. Peace tayo kababayan!

Siyempre nung nagdalaginding na ako, which is the present date. HAHA! Nagkaroon din ako ng crush na hombre. Kapitbahay namin ito eh, nakakalaro ko siya sa text sa kalsada nun eh. (Nabanggit na siya sa batang baklita sa kalye)

T-nry ko siyang hanapin sa Facebook. Kaya lang hindi ko talaga siya mahanap. Baka wala siyang hilig sa FB. Pag-gawa lang ata ng anak ang hilig niya, balita ko kasi 3 na ang anak niya. Sana malahian din nya ako. HAHA!

Tapos ngayon, madami pa akong naging crush. Yung mga kaibigan kong lalake naging crush ko din. Tulad ni ano at ni ano at ni ano… clue? Sige.. eto sila :

Si Boy..

#1 – Online Gamer. Weakness ko talaga ang badboy looking plus attitude ng nambubugbog. Pero ubod ng bait nitong lalakeng ito. Naging super close nga kami nito eh. Miss ko na nga siya ngayon eh.

#2 – Si Totoy Bibo. Super galing magsayaw. Nakaka-akit talaga sa akin ang lalakeng magaling magsayaw. Kahit hindi kami ganun na naging close nito, kras na kras ko parin siya. Nilibre ko pa nga siya dati ng 1hr na laro tsaka load eh. HAHA!

#3 – Ex-Nursing Student. Magaling din magsayaw. Member ng cheering squad ng school niya. Pero ngayon di ko na siya crush. Type ko nalang siyang tikman. HAHA! Alam naman niya yun. Pero deadma nalang. Alam din naman niyang hindi ko gagawin sa kanya yun eh.

#4 – Ang lalake sa tapat ng lugawan. Ultimate crush ko. Kahit naman hindi ko pa alam yung personality nya. Hindi ko pa nga siya nakakausap ever eh. Pero gusto ko siya. Gustong gusto. HAHA! Madami kasing nagsasabi na mabait talaga siya eh. Handa akong magsangla ng kaluluwa para sa kanya. HAHA!

Naging standards ko rin tong mga lalakeng ito! As in feel na feel ko dati na dapat ganyan or isa sa kanila ang dapat maging boylet or bf ko. Pero ganun pala ang standards noh? Standards lang sila. Wala na. Hanggang dun lang. Echos lang. Parang utot lang din, lumilipas at bumabaho. Hindi mo naman alam kasi kung kanino ka sunod na mahuhulog eh, malay mo sa mamang nasa kabilang kalye, sa crew ng tindahan ng inasal na manok, or sa bagong kapitbahay ninyo. Ang nakakatawa, dahil ang standards ay nasasantabi pag nahulog ka NA NAMAN!

Ngayon ang tanong..

Who is your crush?

Yun na~

3 Responses to “slambooking : kras kors”

  1. mingmeows Says:

    Haha! Naalala ko tuloy ang aking kabataan. Which is the present date. Etchos!

  2. DogslifeShopBlog Says:

    nkakatuwa nman ung column mo sir..πŸ™‚ bago lang ako sa blogger pero npatawa agad ako ng post mo..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: