alitaptap, ewan ko

Nakilala ko siya thru internet. Anonymous siya noon, picture lang nang katawan niya ang nakapost dun. Noong mga oras na yun, naghahanap lang ako ng makakasipin. Nag send ako ng message sa kanya, nagreply naman agad siya. Humingi ako ng picture ng mukha niya, nag send siya.. pero maliit masyado at malabo. Hiningi ko ang facebook account nya, binigay muna nya. Sumunod ay binigay ko ang number ko sa kanya, at ganun din naman ang ginawa niya.

Tinext ko siya. Hi. Hello. Kamusta. Tinatawag niya akong brod, teh, sis at kung ano anong pangalan na gusto nyang itawag sa akin. Simula ng araw na iyon, madalas na kaming magkatext at magkachat. Nagkikita, gumagala at nagkukwentuhan.

Hindi ko inaasahan yung damdamin ko sa kanya. Gusto ko na siya. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito. Sobrang tagal na. Ngayon ko lang ulit naalala na may puso pa pala akong tumitibok. Nakalimutan ko na yun eh., siya lang ang nakapagpaalala sa akin. kaya lang.. may problema, may partner na siya. Ouch! Sa puntong ito marahil, nais na ninyo akong batukan. Actually, ako din. Alam ko, wala namang magandang patutunguhan ang kung ano mang namamagitan sa amin. Kung meron nga ba?

Medyo ma-pride akong tao. Pero hindi ko alam kung anong uri ng hanging amihan na binuga nga mga Diyosa ang pumasok sa kukote ko. Masyado na siguro akong nahulog sa kanya. Nadale ako ng kamandag. Tuwing magkausap kami, lumulutang ako, nauuntog ako sa talampakan ni San Pedro. Masaya ako, kahit walang kwenta ang pinaguusapan namin. Napapangiti ako. Kinikilig ako.

Sa mga panahong iyon, siya lang ang tinitibok ng cellphone, isip at puso, at puson ko. Parang pinagsamasama na ang mga emosyon at damdamin. Nakalimutan kong tumingin sa ibaba kaya’t hindi ko namalayang pinasok ko na ang lugar na hindi ko teritoryo. Unti-unti kong naramdaman na isa akong tress passer.

Kahit wala sa lugar ay minahal ko ang taong yun dahil yun ang taong magpapasaya sa akin. Mali nga siguro sa paningin ng iba pero wala naman akong magagawa. Hindi din nila alam ang hirap na pinagdadaanan ng taong nanghihingi ng konting oras at pagmamahal sa taong mahal mo. Hindi ako nagdedemand sa kanya dahil natatakot akong marinig mula sa bibig nya “Bakla ka, ang kapal mo! Assuming ka! Nag expect ka pa!” Pootek!!! Tagos na tagos yun pagnagkataon. Hindi ako pwedeng mag demand sa oras at atensyon. At bakit? Wala akong karapatan. Hindi ako ang priority nya kundi iyong isa. Ang legal. Pero ayos lang. Mahal eh.

Masakit, alam kong may kahati ako sa atensyon nya. Hindi ko sya pwedeng angkinin dahil pag-aari na sya ng iba. Basta ang alam ko, masaya ko kahit sa konting panahon, atensyon at pagmamahal (kung may pagmamahal nga) na binibigay nya. Hindi ko naman intensyon, at talagang HINDI ko intensyon na manira ng relasyon. Kaso kahit ata anong gawin ko sa kanya at sa kanya pa din ako dinadala. Sya iyong kasama ko sa mga importanteng araw ng buhay ko, nakakausap ng mga walang kwentang bagay, nakakaasaran, dinamayan ako sa kalungkutan, pinapatawa ako pag hindi ko na kaya kahit ngumiti man lang.

Madami nga siguro lalaki dyan at hindi ko kailngan makihati sa pagmamahal ng iba. Pero sa tuwing tatangkain kong umalis, nahihirapan na naman akong panindigan ang desisyon kung tumigil na sa kahibangan ko. Siguro nga naging sabik lang ako sa totoong pagibig. Hindi ko alam. Mali pero masaya. Tama nga yung sabi nila, masarap ang bawal.

Kaya ngayon eto ko, nag aantay.. nagmamahal. Sapat na sa akin yun. Ang mahalin siya. Tanga na kung tanga. Wag niyo akong ismiran, dahil alam kong dumaan din kayo sa ganito. Nauna lang kayo.

Yun na~

“Even if the outcome turns out bad. Like the fireflies. You don’t realize you’re losing them already when you’re having fun all the while.”

4 Responses to “alitaptap, ewan ko”

  1. Nagbalik ka na pala Mr. Alembong!

  2. hello po. just visit lng po sa site nyo.. pde p bng mkipag link exchange? kung ok lng po.. slamat

  3. korek po kau jan…. lhat tau dumaan sa ganyan… nahuli ka lang..hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: